Labis na paggamit ng social media, nakakamanhid nga ba ng emosyon? | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Labis na paggamit ng social media, nakakamanhid nga ba ng emosyon?

ABS-CBN News
Published Aug 20, 2019 04:14 PM PHT

May epekto nga ba ang social media sa emosyon at pakikisalamuha ng isang tao, partikular na ng bata?

Ayon kay Shake Hocson, Guidance Diretor ng Far Eastern University, naaapektuhan ang kakayahan ng isang tao na mag-absorb ng emosyon ng nakasalamuha.

Nagkakaroon aniya ng "flat-affect" o tila "pagmamanhid" ng emosyon ang labis na paggamit ng social media. Nakakaapekto rin aniya ito sa pang-araw-araw na buhay ng isang bata.

"Pag marami ka kasing gadget, naka-focus ka sa gadget, hindi mo alam kung ano nararamdaman mo. Kung nalulungkot ka ba, kung masaya ka ba, o nagugutom ka ba?" ani Hocson sa programang "Sakto" ng DZMM ngayong Martes.

"Kaya di ba minsan 'pag gumagamit tayo ng gadget minsan hindi na tayo nakakakain? O minsan hindi na tayo nakakaligo on time, nakakalimutan natin ang ibang bagay. Kaya nawawala 'yung worries natin kasi naka-channel iyong energy natin sa gadget," paliwanag pa ni Hocson.

May pag-aaral aniya na sumusuporta rito, at kung lumala pa ang sitwasyon ay maaaring magdulot ito ng pakiramdam na pagiging "out of place" at kaakibat pa nitong mga mental disorder.

Dahil dito, ayon kay Hocson, dapat nasa 1-2 oras kada araw lang ang paggamit ng isang bata sa social media.
"A human being is always a social being... so everything should be put into moderation," ani Hocson.

"'Pag ang utak niya ay puro social media magiging preoccupied siya doon, at hindi niya magagawa ang kaniyang gawain dahil sa social media," dagdag niya.