Pila ng mga pasahero sa EDSA Bus Carousel sa Monumento mahaba na | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Pila ng mga pasahero sa EDSA Bus Carousel sa Monumento mahaba na

Pila ng mga pasahero sa EDSA Bus Carousel sa Monumento mahaba na

ABS-CBN News

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

MAYNILA - Nitong Lunes ang ika-10 araw na nakairal ang enhanced community quarantine (ECQ) sa Metro Manila, pero tila hindi ramdam ang epekto ng lockdown dito sa EDSA Bus Carousel sa Monumento sa Caloocan.

Napakahaba ng pila ng mga pasahero na tuloy pa rin sa pagpasok sa kani-kanilang mga trabaho nitong unang araw ng work week.

Sa Benin St., ilang metro ang layo mula sa footbridge papuntang carousel, aabot hanggang doon ang pila ng mga sasakay sa bus.

Kahit may banta ng Lambda at Delta variants, hindi pa rin masyado naipapatupad ang physical distancing dahil sa haba ng pila. May iba rin ang nakababa ang kani-kanilang mga face shield at 'yung iba ay face mask.

ADVERTISEMENT

Tuloy-tuloy lang ang pagsakay ng mga pasahero sa mga bus at hindi rin iniinspeksiyon kung authorized person outside residence (APOR) ba ang isang pasahero o hindi.

Nasa 50 porsiyento ang capacity o katumbas ng halos 30 pasahero lang ang puwede sa bawat bus. Mahigpit naman ang pagpapatupad ng "no face mask, no face shield, no ride" police bago sumakay ng bus.

Maagang pumuwesto ang mga tauhan ng Metropolitan Manila Development Authority para manduhan ang daloy ng trapiko rito. -- Ulat ni Lyza Aquino, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.