Lalaki, patay sa pamamaril; onsehan sa droga, sinisilip | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Lalaki, patay sa pamamaril; onsehan sa droga, sinisilip

ABS-CBN News
Published Aug 16, 2017 08:02 PM PHT
|
Updated Aug 17, 2017 12:55 AM PHT

Hinahanap na ng pulisya ang dalawang lalaki na namaril at nakapatay sa isang lalaki sa Barangay Holy Spirit, Quezon City nitong Martes ng hapon.

Nakuhanan pa ng CCTV ang lalaking kinilalang si Marvin Diesta habang may kinakausap sa isang bahay sa Commonwealth Avenue nitong Martes ng hapon. Nakita rin ang pagdating ng isang lalaking armado ng baril.

Napatakbo si Diesta pero hinabol siya hanggang sa tuluyang pagbabarilin ng lalaki.

Nang bumagsak na sa kalye ang biktima, nilapitan pa ito ng salarin at tila may hinahanap sa bulsa ng napatay.
Nang bumagsak na sa kalye ang biktima, nilapitan pa ito ng salarin at tila may hinahanap sa bulsa ng napatay.
ADVERTISEMENT
Kita rin sa CCTV ang paglapit ng isa pang lalaki na pinutukan ulit ng baril si Diesta.

Tumakas naman ang dalawang lalaki na parang walang nangyari.

Ayon sa Quezon City Police District (QCPD), droga ang isang anggulong tinitingnan nila.

Katarungan naman ang hiling ng pamilya ng biktima at may hinala na rin sila kung sino ang salarin at kung ano ang motibo sa krimen.

Ayon sa kapatid ng biktima, matagal nang gumagamit ng droga si Diesta at posibleng 'onsehan' sa bentahan ang nangyari.

Top 5 sa most wanted drugs watch list, patay sa engkuwentro
Samantala, patay sa engkuwentro ang itinuturing na ‘top 5 most wanted’ sa drugs watch list ng QCPD Station 11 na si alyas Junior matapos umanong manlaban sa mga pulis sa Tatalon, Quezon City.

Nahalata anila nito na pulis ang kaniyang katransaksiyon sa isinagawa nilang buy-bust operation.

Lalaki, natagpuang patay sa QC
Sa Bgry. Pinyahan naman, natagpuang nakabulagta ang isang lalaki nitong Miyerkoles ng madaling araw.

Ayon sa barangay, dayo lang sa lugar ang napatay.

Patuloy pa ang imbestigasyon sa report na kanilang natanggap na riding-in-tandem umano ang may gawa ng krimen. -- Doland Castro, ABS-CBN News