ALAMIN: Ano ang libelo? | ABS-CBN

ABS-CBN Ball 2025:
|

ADVERTISEMENT

ABS-CBN Ball 2025:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

ALAMIN: Ano ang libelo?

ALAMIN: Ano ang libelo?

ABS-CBN News

Clipboard

Isa ang libelo sa mga kasong madalas isinasampa laban sa mga mamamahayag.

Kung hindi man kinatatakutan, isang abala ang turing ng mga mamamahayag sa kasong ito.

Libelo ang tawag sa malisyosong pagpapakalat sa publiko ng mapanirang paratang laban sa isang tao o korporasyon.

Aabot sa higit apat na taong pagkakakulong at P6,000 multa ang parusa kapag napatunayan sa korte ang kaso at nailabas ang paratang sa traditional media tulad ng pahayagan, radyo, at telebisyon.

ADVERTISEMENT

Sa kasong cyberlibel naman, hanggang 10 taong pagkakakulong ang parusa.

Marami ang nangangamba sa epekto nito sa malayang pamamahayag.

Noong 2011, mismong ang United Nations Human Rights Committee ang nanawagang alisin ang parusang pagkakakulong sa kasong libel.

Matagal nang isinusulong sa Kongreso ng mga grupong tulad ng National Union of Journalists of the Philippines na i-decriminalize ang libel o tanggalin ang parusang pagkakakulong.

Makailang beses nang inihain sa Kongreso ng panukalang-batas ukol dito, pero hanggang ngayon, hindi nagtatagumpay.

Para naman kay Associate Professor Danilo Arao ng University of the Philippines- Diliman Department of Journalism, mas mainam kung ibasura na lang ang parehong kriminal at sibil na aspeto ng libelo.

Maaari naman daw kasing magreklamo sa standards authority ng Kapisanan ng mga Brodkaster sa Pilipinas para sa radyo at TV at sa Philippine Press Council para sa diyaryo.

Pero habang nakabinbin sa Kongreso ang panukalang decriminalization ng libel, mananatiling nakaumang ang banta ng pagkakakulong sa mga kinakasuhan ng libelo.

-- Ulat ni Mike Navallo, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.