5 lugar sa Muntinlupa inilagay sa hard lockdown | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
5 lugar sa Muntinlupa inilagay sa hard lockdown

ABS-CBN News
Published Aug 14, 2021 08:20 AM PHT

5 lugar na sa Muntinlupa ang isinailalim sa 2-week 'hard lockdown' dahil sa #Covid19. Ito'y sa gitna pa ng ECQ sa NCR.
📷Amado Vendiola pic.twitter.com/MnujeDQ4su
— Jekki Pascual (@jekkipascual) August 13, 2021

MAYNILA— Dumami pa ang mga lugar sa Muntinlupa na isinailalim sa "hard lockdown" o tinatawag na "extreme localized community quarantine" dahil sa COVID-19.

Limang lugar na sa lungsod ang isinama sa listahan ng "areas of concern" ng city government sa gitna ng enhanced community quarantine sa Metro Manila.

Ayon kay Tez Navarro ng Muntinlupa Public Information Office, nadagdagan ng dalawang lugar pa ang naka hard lockdown.

Nagsimula ang dalawang linggong lockdown nitong Biyernes sa Purok 3, Molera Compound sa Barangay Sucat, at ang isa ay sa Purok 7, Beatriz Compound, De Mesa L & B Street sa Barangay Alabang.

Magtatagal hanggang sa Agosto 27 ang hard lockdown sa dalawang lugar.

Una nang inilagay sa ELCQ ang Block 8, Hills View at Mangga St., Lakeview Homes sa Barangay Putatan noong Agosto 12 at ang Chico St., Laguerta sa Barangay Tunasan noon namang Agosto 10. Labing apat na araw rin ang lockdown sa nasabing mga lugar.

Ayon kay City Health Office chief Dr. Juancho Bunyi, ang mga naka hard lockdown na mga komunidad ay may clustering of cases at mataas ang COVID-19 attack rate.

Sa Purok 3, Molera Compound halimbawa, may 5 active cases mula sa 21 na mga residente. Dagdag pa ni Bunyi, ang ilan sa mga komunidad ay hindi na rin nasusunod ang health protocol.

Namigay ng food packs sa lugar na naka 'hard lockdown' sa Barangay Putatan, Muntinlupa. Bawal kasi lumabas ng mga bahay ang mga residente ng 2 linggo.
📷Amado Vendiola pic.twitter.com/Ws2KlXx8re
— Jekki Pascual (@jekkipascual) August 13, 2021
Namigay ng food packs sa lugar na naka 'hard lockdown' sa Barangay Putatan, Muntinlupa. Bawal kasi lumabas ng mga bahay ang mga residente ng 2 linggo.
— Jekki Pascual (@jekkipascual) August 13, 2021
📷Amado Vendiola pic.twitter.com/Ws2KlXx8re
Ang mga residente ng mga lugar na naka-hard lockdown ay bawal na lumabas ng kanilang mga bahay. Ang mga medical frontliners na nakatira sa lugar ay pinapayuhan na sa ospital muna matulog o maghanap muna ng pansamantalang malilipatan ng 2 linggo dahil hindi na sila makapapasok pa sa kanilang bahay habang naka hard lockdown.

Bibigyan naman ng food packs ang mga apektadong residente at magsasagawa rin ng mass testing. Magkakaroon rin ng house-to-house vaccination para hindi na lumabas ng bahay ang mga residente.

Read More:
COVID 19
hard lockdown
Muntinlupa City
Coronavirus
Metro Manila ECQ
Muntinlupa ELCQ
Muntinlupa hard lockdown
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT