Ginang na nanampal at nagmura sa pulis, inaresto | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Ginang na nanampal at nagmura sa pulis, inaresto

ABS-CBN News
Published Aug 14, 2019 05:47 AM PHT
|
Updated Aug 14, 2019 07:15 PM PHT

MAYNILA—Arestado ang isang ginang matapos niyang sampalin at murahin ang isang pulis sa Las Piñas City nitong Lunes.

Kinilala ang ginang na si Cheryl Hawkins Bautista, isang US citizen na nakatira ngayon sa Bacoor City, Cavite.

Ayon kay Police Col. Simnar Gran, hepe ng Las Piñas City police, nakatanggap sila ng tawag Lunes ng hapon ukol sa isang kustomer sa isang kainan.

"May customer na may unruly behavior. Nagsisigaw, nagmumura," aniya.
"May customer na may unruly behavior. Nagsisigaw, nagmumura," aniya.
ADVERTISEMENT
Hindi raw kasi tinanggap ang credit card ng ginang na pambayad sa bill ng kanilang kinain.

Kukuwestiyunin lang sana ng pulis ang ginang ukol sa insidente pero inakala nito na aarestuhin siya.

Sa kuha ng video, pinakakalma ng pulis ang ginang pero tuloy pa rin ito sa pagsisigaw. Nakiusap rin ang kasamang babae ni Bautista.

Nang muling murahin at dinuro ang pulis, aarestuhin na sana niya ang ginang pero sinampal siya nito. Kahit pinosasan na, pinagtatawanan ni Bautista ang mga pulis.

Dagdag ni Gran, nakainom umano ang ginang nang mangyari ang insidente.

"Allegedly 'yung customer ay medyo tipsy. Medyo nakainom lang ng konti. So medyo naging unruly na 'yung behavior niya," aniya.

Sinubukang kunan ng pahayag si Bautista pero tumanggi ito. Sinampahan siya ng kasong direct assault, disobedience to a person in authority, oral defamation at alarm and scandal.—Ulat ni Lady Vicencio, ABS-CBN News

Read More:
Tagalog news
Las Piñas City
video
cop
police
crime
direct assault
disobedience to a person in authority
oral defamation
alarm and scandal
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT