Mga biyahero pinapagamit muna ng 'yellow card' habang wala pang vaccine card | ABS-CBN

Featured:
|

ADVERTISEMENT

Featured:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Mga biyahero pinapagamit muna ng 'yellow card' habang wala pang vaccine card

Mga biyahero pinapagamit muna ng 'yellow card' habang wala pang vaccine card

ABS-CBN News

Clipboard

yellow card

MAYNILA - Inabisuhan muna ang mga bibiyahe palabas ng bansa na kumuha ng "yellow card" mula sa Bureau of Quarantine (BOQ) bilang pruweba na nakapagpabakuna na sila kontra COVID-19.

Ito ay habang isinasaayos pa ng gobyerno ang digital vaccine card na maaaring gamitin ng biyahero sa loob at labas ng bansa.

Sa harap ito ng pagsasaayos ng gobyerno ng digital COVID-19 vaccine card na maaaring gamitin ng biyahero na lalabas ng bansa.

Ang "yellow card" o International Certificate of Vaccination ay ginagamit ng mga seafarer mula pa noong 1930s bilang patunay na may bakuna sila laban sa polio o meninggococcemia.

ADVERTISEMENT

Kinikilala ito ng World Health Organization (WHO) kaya tinatanggap ito sa higit 190 na bansa.

Nilinaw ng BOQ na kailangan alamin muna ng pasahero kung requirement ang COVID-19 vaccine bago pumunta sa pupuntahang bansa.

Mga fully-vaccinated lang din ang maaaring makapag-apply nito.

Maaaring mag-apply sa boq.pisopay.com.ph at magbayad ng P370.

Maaaring bigyan ng scheduled appointment ang nag-apply at maaari itong kuhanin sa BOQ offices at ilang accredited outlets tulad ng ilang mall.

ADVERTISEMENT

Ayon sa BOQ, kinikilala na ng Hong Kong ang yellow card.

Target na matapos sa Setyembre ang ginagawang digital vaccine card ng Department of Information and Communication Technology, at target nito na COVID-19 vaccine lang ang nakatalang bakuna, at kailangang tanggapin pa ito ng ibang bansa.

"Ang problem po natin siyempre, when we introduce new certification na digital kailangan mag-a-adjust pa mga country. Initially partner talaga sila para masigurado natin na hindi magkaroon ng problem sa countries of destination especially mga countries na hindi ready sa digital certificate," ani BOQ Director Roberto Salvador Jr.

-- Ulat ni Jacque Manabat, ABS-CBN News

KAUGNAY NA VIDEO:

Watch more in iWantv or TFC.tv

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.