Bangkay ng pinaslang na peasant leader ilegal umanong 'dinukot' ng pulisya | ABS-CBN

ABS-CBN Ball 2025:
|

ADVERTISEMENT

ABS-CBN Ball 2025:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Bangkay ng pinaslang na peasant leader ilegal umanong 'dinukot' ng pulisya

Bangkay ng pinaslang na peasant leader ilegal umanong 'dinukot' ng pulisya

Jervis Manahan at Raya Capulong,

ABS-CBN News

 | 

Updated Aug 11, 2020 08:42 PM PHT

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

MAYNILA — Positibong kinilala ng misis ni Randy Echanis ang mga labi na natagpuan sa isang apartment sa Novaliches, Quezon City noong Lunes.

Natagpuan si Randy na patay kasama ang isa pang lalaki sa loob ng isang paupahang apartment.

Nagsilbing peace consultant ng National Democratic Front of the Philippines ang pinatay na Anakpawis chairman.

Kinilala ni Erlinda Echanis ang bangkay ni Randy kahit pinipilit ng mga pulis na hindi siya ito dahil Manuel Santiago umano ang pangalan sa ID na nakuha sa kanya.

ADVERTISEMENT

Sa pahayag ni Erlinda, sinabi niyang may mga bakas pa ng torture ang kanyang asawa.

Dinala ng pamilya ang mga labi sa isang punerarya sa Quezon Avenue para maihanda sa awtopsiya ng Philippine General Hospital (PHG) at Commission on Human Rights.

Pero sapilitan umanong kinuha ng higit sa 10 pulis-La Loma ang bangkay ni Randy at dinala sa Pink Petal Funeral Homes.

Giit ng pamilya ni Echanis, ilegal ang ginawa ng pulisya dahil kumpleto ang mga dokumento nila.

"I condemn the persistent harassment of PNP-La Loma-QCPD and their brazen act of snatching the remains of my husband Randall 'Randy' Echanis from us," ani Erlinda.

ADVERTISEMENT

Pero sa halip na i-release ang labi, dinampot pa ng mga pulis ang paralegal ng Anakpawis na si Pao Colabres at dinala sa Camp Karingal dahil sa umano'y obstruction of justice.

Watch more in iWantv or TFC.tv

PAKIUSAP NI ERLINDA

Emosyonal naman na umapela ng hustisya kay Pangulong Rodrigo Duterte si Erlinda.

"Nananawagan na ako kay Presidente Duterte na makialam na sya, alam naman nya na walang kasalanan ang aking asawa para patayin."

Galit at dismayado ang pamilya dahil hindi pa nila mabawi ang bangkay ni Echanis dahil hinihingan sila ng release order ng pulisya.

"Ang pamilya po ang may karaparatan sa bangkay, ang hindi namin maintindihan ay kung bakit hinold nila yung bangkay eh patay na yung tao... Kung meron man silang dapat imbestigahan hindi yung patay," ani Erlinda.

ADVERTISEMENT

Nanindigan ang abogado ng pamilya na hindi kailangan ng clearance sa pagkakakilanlan ni Echanis.

Batay anila sa external examination ng kanyang bangkay, may tama ng bala sa ulo ang biktima at nagtamo ng 21 saksak sa katawan.

Iginigiit naman ng Quezon City Police District (QCPD) na kailangan pang kumpirmahin at patunayan na si Echanis nga talaga ang biktima.

"Pumunta kayo rito, labasan tayo ng papel. May documents [dapat] kayo [na] magpapatunay niyan at saka magkakaroon ng technical aspect ng investigation para ma-prove niyo na hindi ito si Manuel Santiago," ani Police Maj. Elmer Monsalve, hepe ng QCPD-Criminal Investigation and Detection Group.

Personal na nagsumite na ng mga dokumento nitong Martes ng hapon ang abogado ni Echanis sa Camp Caringal.

ADVERTISEMENT

Binuo na rin ni Justice Secretary Menardo Guevarra ang isang special investigating team na tututok sa pamamaslang kay Echanis.

Si Echanis ang ikatlong NDFP consultant na pinatay kasunod nina Sotero Llamas noong 2006 at Randy Malayao noon lang isang taon.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.