29 health workers sa ospital sa Bacolod City, positibo sa COVID-19 | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
29 health workers sa ospital sa Bacolod City, positibo sa COVID-19

Marty Go,
ABS-CBN News
Published Aug 11, 2020 12:16 PM PHT

BACOLOD CITY - Nasa 29 personnel na ng Corazon Locsin Montelibano Memorial Regional Hospital (CLMMRH) sa lungsod ang nagpositibo sa COVID-19.

Ayon sa Medical Center Chief na si Dr. Julius Drilon, walong doktor, apat na nurse, at 17 na non-medical support staff ang nagpositibo sa sakit.

May 113 personnel ng ospital pa ang naka-quarantine.

Pansamantala namang hindi tatanggap ng mga probable at suspected cases ng COVID-19 ang ospital dahil nasa full bed capacity na sila para sa moderate at severe cases.

ADVERTISEMENT
"Ngayon, pinapauwi na namin ang mga positive na nasa stable condition na at mag-quarantine na lang sila pero ang problema ngayon hindi naman lahat ma-accomodate sa mga quarantine facilities dahil puno na rin," ayon kay Drilon.

Nananatiling nakasara ang outpatient department ng ospital, pati na rin ang Department of Obstetrics and Gynecology at Neonatal Intensive Care Unit dahil kinulang sa ngayon ng support staff ang ospital.

Read More:
Bacolod City
Corazon Locsin Montelibano Memorial Regional Hospital
COVID-19 Bacolod City updates
infected healthworkers
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT