Liza Diño, inalala ang yumaong ama | ABS-CBN

Featured:
|

ADVERTISEMENT

Featured:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Liza Diño, inalala ang yumaong ama

Liza Diño, inalala ang yumaong ama

Jose Carretero,

ABS-CBN News

Clipboard

ABS-CBN News/file
Former DILG Undersecretary Martin Diño. Jonathan Cellona, ABS-CBN News/file

MANILA — Nagpasalamat ang pamilya ng yumaong dating Department of the Interior and Local Government Usec. Martin Diño sa mga nakiramay sa pamilya sa unang araw ng burol nito sa Loyola Memorial Chapels sa Commonwealth, Quezon City.

Ayon sa anak nito na si Liza Diño, nakapagpagaan sa loob ang mga naririnig nilang magandang ala-ala mula sa mga nakasama ng kanyang ama.

“When I became part of the government, mas lalo kong naintindihan kung bakit naging ganito ang buhay namin, kung bakit 'yung calling para magsilbi, maging tagapagtanggol ng bayan talagang grabe ang stories nila sa amin,” ani Liza.

Dagdag pa niya, kahit siya nagtampo rin sa ama dahil sa halos walang oras ito sa pamilya.

ADVERTISEMENT

“His life is about public service. Talagang there was a time na nakakalimutan niya ang pamilya, na talagang nagtampo rin ako sa kanya kasi hindi ko naintindihan eh. Parang nasaan ka bilang father, pero 'yun pala 'yung kapalit no'n 'yung binibigay niya for other people, para makatulong sa bayan,” aniya.

Kwento ni Liza, ilan sa mga hindi niya makakalimutan sa ama ang oras na binibigay nito sa mga mahahalagang nangyari sa kanya.

“My Dad has always been present in all the milestones of my life. Birthday, graduation, awarding kahit saan pa 'yan kahit nasaan siya pag sinabi niyang darating siya, darating siya,” ani Liza.

Ang asawa ni Liza na si Ice Seguerra, labis din ang pasasalamat sa pagtanggap nito sa kanya bilang asawa ng anak.

“I really wanna thank him for accepting me as asawa ng anak niya. Pinaka-memorable sa akin is when I had a conversation with him. Nagpaalam ako para sabihin sa kanya na my intention, walang kahirap hirap ay 'oo naman masaya ako na kayo ni Liza.' Sobrang walang question or something, so sobrang tinanggap niya ako ng buong buo bilang asawa ng anak niya,” ani Seguerra.

ADVERTISEMENT

Noong Agosto 8 pumanaw ang dating opisyal ng DILG matapos ang pakikipaglaban nito sa sakit na kanser.

Ilan sa mga dumalo sa unang araw ng burol ay si Guiling Mamodiong, national chairman ng Mayor Rodrigo Roa Duterte – National Executive Coordinating Committee, kung saan national secretary general si Diño.

Simula Miyerkoles ng gabi, bukas na sa publiko ang burol ni Diño.

Sa Linggo, Agosto 13 ang libing nito sa Loyola Memorial Park sa Marikina, ala-1:30 ng hapon.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.