ALAMIN: Pagkuha ng eligibility card para sa CSE passers | ABS-CBN

ABS-CBN Ball 2025:
|

ADVERTISEMENT

ABS-CBN Ball 2025:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

ALAMIN: Pagkuha ng eligibility card para sa CSE passers

ALAMIN: Pagkuha ng eligibility card para sa CSE passers

ABS-CBN News

 | 

Updated Aug 09, 2018 06:46 PM PHT

Clipboard

Nagsimula na ngayong taon ang pagbibigay ng ID card na sesertipikang nakapasa ka sa exam ng Civil Service Commission (CSC).

Sa "Usapang de Campanilla" noong Miyerkoles, pinaliwanag ni CSC chairperson Alicia Dela Rosa-Bala ang mga patakaran kung paano kunin ang "eligibility card" na nagpapakitang pumasa ang indibidwal sa Civil Service Exam (CSE).

Ang dating papel lang na CSE passer certification, ngayo'y mala-ATM card na, aniya.

Paliwanag ni Bala, ang mga exempted sa exam tulad ng board passers at honor graduates noong kolehiyo ay maaari na lamang magbigay ng kanilang requirements sa ahensiya.

ADVERTISEMENT

"Kung honor graduate ka, maaari kang kumuha, mag-apply ka lang sa amin," aniya.

Sa mga nag-exam naman at pumasa, kailangan lamang magbigay ng ng isang valid ID, certification of eligibility, at ang resibo ng kaniyang application fee kung kailan siya nag-exam.

Ani Bala, may ilang pribadong kompanya na tumatanggap ng CSC eligibility cards para ma-exempt ang aplikante sa mga assessment exam.

Patunay raw ito sa mga employer na may tiwala sila sa kinalabasan ng CSE.

"May ibang companies na ginagamit nila 'yan. Nag-aadminister din kasi sila ng mga test sa mga applicants nila. Nalaman nila na iyong Civil Service ginagamit ito at binibigyan namin sila ng ID" ani Bala.

Bukas ang application sa CSE para sa mga nasa edad 18 anyos pataas.

Nagsimula na ring magbukas ng computerized exam ang ahensya.

Natapos na ang aplikasyon para sa Agosto 12 na exam kaya payo ni Bala ay abangan na lamang ang schedule para sa susunod na CSE sa kanilang website.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.