Bukod sa COVID-19: Sakit na 'TB' binabantayan din ngayong pandemya | ABS-CBN

ABS-CBN Ball 2025:
|

ADVERTISEMENT

ABS-CBN Ball 2025:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Bukod sa COVID-19: Sakit na 'TB' binabantayan din ngayong pandemya

Bukod sa COVID-19: Sakit na 'TB' binabantayan din ngayong pandemya

Joanna Tacason,

ABS-CBN News

Clipboard

MAYNILA — Bukod sa COVID-19, pinag-iingat din ang publiko sa mga nakahahawang sakit gaya ng tuberculosis o TB lalo't takot ang ilan na magpunta sa ospital o klinika dahil sa pandemya.

Babala ng provincial health office ng Pangasinan, bukod sa COVID-19 na may higit 200 kaso na sa lalawigan, dapat mag-ingat din sa mga lung disease gaya ng tuberculosis na lubhang nakakahawa.

Ang tuberculosis ay dulot ng bacteria na mycobacterium tuberculosis. Naipapasa ito sa droplets o laway ng taong may sakit.

Karaniwang mga sintomas ng tuberculosis:

  • Pag-uubo na tumatagal nang 2 linggo o higit pa
  • Pag-uubo na may kasamang dugo
  • Pananakit ng dibidib
  • Paglalagnat
  • Pananamlay o labis na pagkapagod
  • Kawalan ng ganang kumain o pagbagsak ng timbang

Pero ang sakit na ito ay maaagapan sa pamamagitan ng tamang gamutan.

ADVERTISEMENT

Ngayong 2020, higit 3,000 residente sa Pangasinan ang may tuberculosis at sumasailalim sa 6 na buwang gamutan.

"Meron pong libre itong gamot na ibinibigay sa mga health center at cover na rin ito ng PhilHealth para po walang aalalahanin ang atin pong mga kababayan," ani Dr. Anna de Guzman, provincial health officer ng Pangasinan.

Kaya bukod sa handwashing, ipinapayo sa lahat ang proper cough etiquette.

Dapat gumamit din ng malinis na panyo o tissue kung babahing o uubo. Huwag rin dapat umubo sa harap ng tao.

Ugaliin din na maghugas ng kamay at panatilihing malusog ang pangangatawan para makaiwas sa sakit.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.