'Pampatulog ko': 69 anyos lolo buking sa pamboboso sa pag-aaring dorm | ABS-CBN

ABS-CBN Ball 2025:
|

ADVERTISEMENT

ABS-CBN Ball 2025:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

'Pampatulog ko': 69 anyos lolo buking sa pamboboso sa pag-aaring dorm

'Pampatulog ko': 69 anyos lolo buking sa pamboboso sa pag-aaring dorm

ABS-CBN News

 | 

Updated Aug 06, 2019 09:49 PM PHT

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

MAYNILA — Arestado noong Lunes ang isang 69 anyos na lolo matapos mamboso at magkabit ng hidden camera sa kaniyang pinauupahang dorm sa Sampaloc.

Kuwento ng tenant na si alyas "Maribel," nakita niya ang hidden camera na nakakubli sa likod ng wall clock matapos niyang gumamit ng mobile app.

"Using the app, papatayin 'yung ilaw tapos makikita na 'yung pulang ilaw sa cellphone," ani ni Maribel, isa sa 4 na babaeng nangungupahan sa dorm.

Agad nagsumbong ang biktima sa pulis kaya dinakip ang landlord na si Noe Nodalo.

ADVERTISEMENT

Sa pag-iikot ng pulis sa dorm, nadiskubre ang isang VHS player at 2 tape kung saan kita ang mga video ng babaeng nakahubad at naliligo sa banyo.

Sumatutal, 15 babae ang nakita sa video, kabilang na si Maribel.

Sabi ng lolo, ginagawa niya umano ito bilang libangan at "pampatulog."

"Koleksiyon ko 'yon... Aaminin ko sa inyo, 10 taon na kasi akong walang asawa, pinapanood ko para makatulog," ani Nodalo.

Depensa pa ng lolo, Hunyo lang daw niya sinimulan ang recording pero duda ang pulis dahil VHS pa ang gamit ng suspek.

Inaanyayahan ng Manila Police District (MPD) ang iba pang biktima na dating umupa sa dorm na magtungo sa kanilang himpilan.

Dahil sa takot, umuwi muna ng probinsiya ang mga biktima at doon na isasagawa ang counseling ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).

—Ulat ni Zyann Ambrosio, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.