Insidente ng pambabato sa mga kotse sa STAR Tollway inirereklamo | ABS-CBN

Featured:
|

ADVERTISEMENT

Featured:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Insidente ng pambabato sa mga kotse sa STAR Tollway inirereklamo

Insidente ng pambabato sa mga kotse sa STAR Tollway inirereklamo

ABS-CBN News

Clipboard

Iniimbestigahan ng pulisya ang insidente ng pambabato sa mga kotseng dumaraan sa STAR Tollway. Wala pang pahayag sa ngayon ang tollway. May mga kuha ni Arvie Revilla.

Iniimbestigahan ng pulisya ang insidente ng pambabato sa mga kotseng dumaraan sa STAR Tollway. Wala pang pahayag sa ngayon ang tollway. May mga kuha ni Arvie Revilla.

Iniimbestigahan ng pulisya ang insidente ng pambabato sa mga kotseng dumaraan sa STAR Tollway. Wala pang pahayag sa ngayon ang tollway. May mga kuha ni Arvie Revilla.

BATANGAS - Sinisilip ng pulisya ang insidente ng pambabato sa mga kotseng dumaraan sa Star Tollway.

Sa dashcam video na ibinigay sa ABS-CBN News ng hindi na nagpakilalang motorista, nagmamaneho ito sa kahabaan ng southbound lane ng STAR Tollway pasado alas-8 ng gabi noong nakaraang linggo.

Pagdating sa tulay na sakop ng Barangay San Pedro, Malvar, Batangas ay nagulat na lang siyang may biglang tumamang bato sa windshield ng kanyang sasakyan.

Ayon sa motorista, hindi naman sila nasaktan ng kaniyang kasama pero nakaranas sila ng matinding pangangati dahil sa mga tumamang bubog sa katawan.

ADVERTISEMENT

Sira rin ang windshield ng minamanehong sasakyan ni Arvie Revilla. Sa kuha niyang larawan noong gabi ring ‘yon, kitang pumasok pa sa loob ng sasakyan ang batong tumama sa windshield.

Sabi ni Revilla, na nasaktan ang kanyang tiyuhin na nasa driver seat. Mabuti na lang raw at hindi na nadamay ang anak na nasa likuran ng sasakyan.

"Nagda-drive kami that night. Galing kami sa Cavite tapos dire-diretso lang ang takbo namin, mabagal lang ang takbo ko 70-80 lang kasi may mga sakay akong bata yung anak ko. Tapos bigla na lang akala ko may pumutok. Akala ko n'ung una gulong, kasi paglampas mo ng San Pedro, medyo madilim tapos nung nagpunta kami sa maliwanag nakita ko ang windshield ko basag. Pumasok yung bato sa loob eh tinamaan yung tito ko," ani Revilla.

Sa panayam sa Malvar Municipal Police, sinabi nilang maaaring modus ang ginagawang pambabato sa mga sasakyan para makapagnakaw.

"Possible motive kasi ng mga 'yan is halimbawa kapag tinamaan ang sasakyan tumigil tapos bababain nila para pasukin nakawan. Ganun yung ibang modus nung mga yan," ani Malvar Police Station OIC Capt. Aldrin Jay Baysa.

ADVERTISEMENT

Nakipag-ugnayan na ang mga otoridad sa Barangay San Pedro at napag-alamang nilagyan na ng bantay ang nasabing lugar na may lusutan papunta sa Star Tollway .

"Iniikutan din po natin sa ating patrollers para maiwasan yung ganung klase ng aksidente na maulit. Puwede po natin silang kasuhan ng malicious mischief. Kung magko-cause siya ng greater na aksidente pa pwede natin sila sigurong kasuhan ng mas mabigat," ani Baysa.

Wala namang tala ang PNP kung ilan ang nabiktima ng pambabato ng sasakyan noong araw na ‘yon. Wala raw kasing nag-report sa kanilang tanggapan na mga biktima at nalaman na lang ang insidente dahil sa pakikipag-ugnayan ng nasabing barangay.

Kaya nanawagan ito sa mga biktima o magiging biktima na agad ipagbigay alam sa awtoridad na nakakasakop sa lugar para agad na maaksyunan.

Payo naman ng PNP sa pamunuan ng STAR Tollway, lagyan ng net, ilaw at bantay ang nasabing lugar.

"Yung ating bridges dyan sa may STAR Tollway, puwede naman po sigurong i-enclose. 'Yun 'yung enclose na parang may net siya na hindi ganung kalaki yung butas, para kung saka-sakali man may maga-attempt man o kung ano man, hindi sila makakapagbato," ani Baysa.

ADVERTISEMENT

Hiningian ng ABS-CBN News nang pahayag ang STAR tollway pero hindi pa sumasagot.

Sa ngayon inaasikaso na ng isang motorista ang proseso para maipasok sa insurance ang nasirang sasakyan, pero para kay Arvie na hindi insured ang sasakyan umaasa itong matutulungan siya ng pamunuan ng tollway para maipaayos ang nasirang sasakyan.

Hangad din niya na hindi na ito maulit pa sa kagaya niyang motorista na dumadaan sa lugar.

-- Ulat ni Andrew Bernardo

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.