Mga makabagong imbensiyon makatutulong kapag may sakuna, pandemya | ABS-CBN
ADVERTISEMENT
![dpo-dps-seal](https://od2-image-api.abs-cbn.com/prod/Seal_Image_OD.png)
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Mga makabagong imbensiyon makatutulong kapag may sakuna, pandemya

ABS-CBN News
Published Aug 02, 2020 06:59 PM PHT
![Clipboard](https://od2-image-api.abs-cbn.com/prod/ClipboardNews.png)
Ilang makabagong imbensiyon ang ginawa ng mga scientist at researcher para makatulong sa pagtugon sa pangangailangan ng publiko sa oras ng sakuna at pandemya.

Kabilang dito ang mobile home na ginawa ni Garry Vazquez, na magagamit tuwing may kalamidad at pandemya lalo at madali itong dalhin sa iba-ibang lugar.

Mayroong sala, banyo, kusina at tulugan ang mobile home. Puwede rin itong baguhin depende sa paggagamitan.

"Kapag tinamaan ka ng COVID, you have to isolate yourself. It being mobile edi puwede ka doon mag-isa," ani Vazquez.
"Kapag tinamaan ka ng COVID, you have to isolate yourself. It being mobile edi puwede ka doon mag-isa," ani Vazquez.
ADVERTISEMENT
"While you're there for 14 days, you are in the comfort of your own home," aniya.

Maaari namang magamit sa ora de peligro ang mobile command post and triage trailer tent na binuo ni Dennis Abella.

Mayroon itong radio, camera, weather station, drone at satellite routers na makatutulong sa monitoring ng mga responder.

Paunang lunas naman ang na-develop ni Denver Chicano, na dating nurse.

"Ang napili kong material to use is coconut because basically 'yong coconut especially monolaurin, has anti-viral, anti-bacterial and antifungal property," paliwanag ni Chicano.

Karamihan sa mga wound dressing na ginagamit ng mga ospital ay imported kaya naisipan ni Chicano na gumawa ng gawang Pinoy na wound dressing na tinawag niyang cocopatch.

Nais ng Department of Science and Technology na maibahagi sa publiko ang mga imbensiyon.

-- Ulat ni Bettina Magsaysay, ABS-CBN News
Read More:
PatrolPh
Tagalog news
science
teknolohiya
inventions
Pinoy inventions
Garry Vazquez
mobile home
Dennis Abella
Denver Chicano
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT