Mansion, mga baril, iniuugnay sa mga Parojinog | ABS-CBN

Featured:
|

ADVERTISEMENT

Featured:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Mansion, mga baril, iniuugnay sa mga Parojinog

Mansion, mga baril, iniuugnay sa mga Parojinog

ABS-CBN News

 | 

Updated Aug 03, 2017 12:36 AM PHT

Clipboard

Patuloy na hinihimok ng Philippine National Police (PNP) ang mga opisyal sa Ozamiz City na isuko na ang mga loose firearm sa kanilang lugar.

Higit 200 high-powered loose firearm na ang nasa custodial center ng Ozamiz City ngayon matapos isuko ng mga opisyales ng barangay sa PNP ang mga armas na galing umano sa mga Parojinog.

Ayon kay Chief Inspector Jovie Espenido, pangdepensa ng mga kaalyado ng Parojinog ang mga loose firearm. Pero nagagamit din umano ito sa iba pang ilegal na aktibidad na may basbas ng Parojinog.

Sinadya pa kanina ni Espenido ang ilang barangay na hindi pa nagsu-surrender ng mga armas.

ADVERTISEMENT

Sa Barangay Capucao proper, isinuko ni Kapitana Josefina Buhisan ang anim na loose firearms na gamit umano ng mga civilian volunteer organization (CVO).

Pero aniya, hindi ito galing sa mga Parojinog. Ibinaon daw ang mga baril na ito sa lupa.

Nagpapasalamat umano sila kay Espenido na maisu-surrender nila ang mga baril nang walang kaso.

Sa Barangay Stimson Abordo naman, sinabi ni Kapitan Danilo Arzano na isinurender niya ang isang short at long firearm.

Samantala, ipinakita rin ni Espenido ang isang sira-sirang bahay na umano'y pag-aari ng mga Parojinog.

ADVERTISEMENT

Dati umano itong mansion pero sinira ng pamilya noong umupo si Pangulong Rodrigo Duterte dahil dito rin ginagawa ang iba pang transaksiyon.

Maaari din daw na sinira ito ng pamilya para hindi paghinalaan ng mga tao ang Parojinog na may ginagawang ilegal na aktibidad.

Sinubukan ding dalawin ulit ni Espenido ang mansion ni Councilor Ricardo "Ardot" Parojinog, kapatid ni Mayor Aldong na kasalukuyang pinaghahanap ng mga awtoridad.

Nilinaw naman ni Espenido na hindi niya tinatakot ang mga kapitan sa pagsuko ng mga armas.

--Ulat ni Kori Quintos, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.