Ilocos Sur, tinamaan ng kabi-kabilang landslide dahil sa ulan | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Ilocos Sur, tinamaan ng kabi-kabilang landslide dahil sa ulan

ABS-CBN News
Published Aug 01, 2022 08:44 PM PHT

MANILA — Kabi-kabilaang landslide ang naitala sa bayan ng Suyo, Ilocos Sur nitong Lunes dahil sa nararanasang pag-ulan.

Bandang ala-1 ng hapon, hindi madaanan ang Suyo-Cervantes Road matapos mabarahan ng landslide partikular ang bahagi ng Sitio Kiblongan, Barangay Uso.

Ayon sa Suyo Police, lumambot ang lupa sa bundok kaya gumuho ang bahagi nito.

Nagkaroon din ng landslide sa Sitio Balungabing, Barangay Uso kung saan natabunan ng mga lupa at bato ang bahagi ng kalsada.

Agad nagsagawa ng clearing operation ang maintenance team ng DPWH kaya nadaraanan na ang kalsada doon bandang alas-5 ng hapon.

Samantala, hindi pa nabubuksan ang kalsada sa Sitio Kiblongan ayon sa Suyo Police.

Ibayong pag-iingat ang payo ng awtoridad sa mga residente at motorista lalo’t rockslide-prone area ang lugar.

Nitong Linggo, nakaranas din ng mga serye ng landslide ang iba pang bahagi ng Sitio Kiblongan, Barangay Uso hanggang Barangay Man-atong, Suyo dahil din sa pag-ulan.

Pero ayon sa lokal na pamahalaan ng Suyo, nadaraanan na ang kalsada sa nasabing mga lugar matapos ang clearing operation.

Isa ang Ilocos Sur sa mga probinsyang labis na naapektuhan ng malakas na magnitude 7 na lindol noong Hulyo 27.

Patuloy pa ring nakararanas ang Ilocos Sur at mga karatig-probinsya nito ng mga aftershocks kasunod ng nasabing malakas na lindol.

—Ulat ni Harris Julio
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT