ALAMIN: Parusa sa mga 'fixer' sa gobyerno | ABS-CBN

ABS-CBN Ball 2025:
|

ADVERTISEMENT

ABS-CBN Ball 2025:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

ALAMIN: Parusa sa mga 'fixer' sa gobyerno

ALAMIN: Parusa sa mga 'fixer' sa gobyerno

ABS-CBN News

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

USAPANG DE CAMPANILLA: 4THURSDAY/COLOMS/USAPANG DE CAMPANILLA]

MAYNILA — May kaukulang parusa sa batas ang mga mahuhuling fixer o mga taong nagpapabilis ng mga proseso sa gobyerno gamit ang hindi lehitimong paraan.

Laganap ang mga fixer lalo na sa tanggapan ng Land Transportation Office (LTO) na siyang naatasang magproseso ng mga lisensiya at plaka.

Ayon kay LTO chief Edgar Galvante, mapapanagot ang mga fixer sa ilalim ng Republic Act No. 9485 o "Anti Red-Tape Act."

ADVERTISEMENT

Maaaring ma-dismiss sa serbisyo ang isang government employee na mapapatunayang sangkot dito.

Posible ring makulong ang mga ito ng hindi lalagpas sa 6 taon at pagmultahin mula P20,000 hanggang P200,000.

Pero ayon kay Galvante, may parusa din sa mga taong kakagat o mag-aalok ng dagdag-bayad sa isang fixer.

"May kaukulang parusa sa kanila actually... Puwedeng hindi siya makapag-renew ng lisensiya at hindi makapag-drive ng 2 taon," ani Galvante.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.