Pinay table tennis prodigy sa Sweden, nakasama ni sprint legend Usain Bolt sa Tokyo Olympics advert

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Pinay table tennis prodigy sa Sweden, nakasama ni sprint legend Usain Bolt sa Tokyo Olympics advert
Vangie Rebot-Jorquia | TFC News Sweden
Published Jul 31, 2021 02:41 AM PHT
|
Updated Jul 31, 2021 02:58 AM PHT

STOCKHOLM - Malaking karangalan para sa 11-taong gulang na batang Pinay sa Sweden ang makasama ang sprint legend na si Usain Bolt.

Dahil sa bansag sa kanya na “table tennis prodigy” ng Sweden, napili si Laurynne Cabardo para sa “Future Sports Heroes” campaign ng isang international insurance company para sa ginaganap na Tokyo Olympics.

Kahit 11-taong gulang pa lang si Cabardo, kitang-kitang na malayo ang kanyang mararating. First place siya sa Angby Club Master Tournament noong Mayo para sa under 19 at 13 year-old category.

Noong March 2020, kahit baguhan, nakuha niya ang 2nd place sa TTex Talagen kaya siya ang napiling makasama ni Bolt sa nasabing commercial.

ADVERTISEMENT
Si Usain Bolt ang tinaguriang “greatest sprinter of all time.” Eight-time Olympic gold medalist ang Jamaican sprinter na naghari sa track and field events ng 2008, 2012 at 2016 Olympics. Siya ang world record holder sa 100 meters, 200 meter, at 4x100- meter relay events.

“I felt nervous at first but then after I met him it was calm and I was happy he's actually a nice person,” sabi ni Cabardo, table tennis prodigy.

Nagsasanay si Cabardo kasama ang Swedish Youth National Team. Target niyang mapanalunan ang table tennis gold medal sa 2028 Olympics.

Inspirasyon niya ang ama na dati ring manlalaro ng table tennis.

“My dad inspires me because he used to play when he was younger and he cheers me up. Kaya may dream is to be in the podium of the Olympics, first place on 2028,”dagdag ni Cabardo.

Naniniwala ang kanyang ama na basta determinado at disiplinado ang kanyang anak, hindi imposible na maabot niya ang kanyang parangap.

“Siya mismo ang nagkukusa na magtre-train, mag-exercise, nag-jo-jogging siya ng madalas ,nagpu-push-up, full-up training din siya,” sabi ni Laser Cabardo, ama ni Laurynne.

“Laurynne is a fast table tennis player with good footwork and a killer hand. I saw the potential quite fast and she practices at home with her dad so she developed very fast. She is a future star,” pahayag ni Jessica Larsson, coach ni Cabardo.

“First time niya mawawala sa piling namin ng matagal na siya lang mag-isa kaya siyempre medyo kinakabahan ako.” sabi ni Layah Cabardo, ina ni Laurynne.

Para sa kanyang pamilya at coach, hindi imposible na mapanalunan niya ang kanyang pangarap na gintong medalya sa 2028 Olympics sa Los Angeles.

Para sa buong istorya ng Olympic dream ni Laurynne Cabardo tumutok sa TFC News sa TV Patrol.

Read More:
TFC News
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT