1 patay, 13 sugatan sa karambola ng mga sasakyan sa Shaw EDSA | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
1 patay, 13 sugatan sa karambola ng mga sasakyan sa Shaw EDSA

ABS-CBN News
Published Jul 28, 2018 09:45 PM PHT
|
Updated Jul 29, 2018 01:01 AM PHT

MAYNILA (2nd UPDATE) - Isa ang patay habang mahigit 13 ang sugatan sa karambola ng 9 sasakyan sa Shaw EDSA flyover nitong Sabado ng gabi.

Ayon kay Erwin Sañano ng Mandaluyong rescue, naabutan nila ang isa na dead on the spot, habang 5 ang sinugod sa Rizal Medical Center at 8 sa Mandaluyong Hospital.

"Nung pagdating po namin sa area, yung iba pong sugatan ay nadala na sa ospital. Yung isa po, may naiwang isa dun ay dead on the spot na," aniya.

Ayon sa sa MMDA Metrobase, sangkot sa karambola ang isang garbage truck, dalawang jeep, dalawang AUV, isang SUV, mixer truck, sedan, at pick-up.

Batay sa kanilang impormasyon, nawalan umano ng preno ang garbage truck kaya't inararo ang mga sasakyang nasa unahan nito. Wasak at yupi ang likuran at unahang bahagi ng mga sasakyan.

Pansamantalang isinara sa mga motorista ang buong Shaw Boulevard Flyover eastbound dahil sa insidente.

I-refresh ang pahinang ito para sa updates. --May ulat ni Ron Lopez, ABS-CBN News