Lalaking napagbintangan sa pamamaril sa siklista, negatibo sa paraffin test | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Lalaking napagbintangan sa pamamaril sa siklista, negatibo sa paraffin test

Lalaking napagbintangan sa pamamaril sa siklista, negatibo sa paraffin test

ABS-CBN News

Clipboard

MANILA - Nagnegatibo sa paraffin test si Nestor Punzalan, ang lalaking napagbintangang bumaril sa isang siklista sa Quiapo noong Lunes.

Ayon kay Atty. Daniel Jimenez, abogado ni Punzalan, nagdesisyon itong pumunta sa opisina ng National Bureau of Investigation (NBI) upang linisin ang kanyang pangalan matapos kumalat ang kanyang litrato sa Facebook.

"Napakarami nang threats kaya nagdesisyon si Nestor na nung una, mag-isa, mag-isang pumunta sa NBI para ilinaw ang kanyang pangalan," ani Jimenez.

Sumailalim rin sa paraffin test at medical examination si Punzalan, kung saan napatunayan na wala siyang kinalaman sa insidente.

ADVERTISEMENT

"Nung nagpunta siya sa NBI, una nagpa-paraffin test siya, nagpa-medical examination din siya. Makikita na wala man siyang sugat kahit ano, at napakapayat nito. Mas maliit siya 'di hamak doon sa litrato na involved sa insidente," dagdag pa ni Jimenez.

Samantala, pinagiisipan na rin ng kampo ni Punzalan ang pagsasampa ng kaso laban sa Top Gear Philippines, na siyang naglabas ng litrato ng sasakyan ni Punzalan sa Facebook.

Ayon kay Punzalan, na-trauma siya sa nangyari matapos makatanggap ng mga pagbabanta sa kanyang buhay.

"Yun nga po, 'yung threat sa buhay ko, na parang gusto na rin nila akong patayin. Na-trauma po ako na, natakot po ako sa buhay ko. Natakot po ako na, andami ko pang gustong gawin," aniya.

Pinag-aaralan ni Punzalan na ireklamo ng online libel ang Top Gear.

ADVERTISEMENT

Nauna nang humingi ng paumanhin ang Top Gear sa paglalabas nito ng litrato ng sasakyan ni Punzalan.

Pinangalanan na rin ng pulisya ang suspek sa pagpatay sa siklistang si Mark Vincent Garalde.

Kinumpirma ni Sr Insp. Rommel Anicete, hepe ng MPD Homicide Division, na si Vhon Tanto ang pangunahing suspek sa pagpatay kay Garalde.

Opisyal na ring isinapubliko ng MPD ang mga larawan ng suspek. - with a report from Niko Baua, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.