Tatlong Filipino international jurists pinarangalan sa The Hague | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Tatlong Filipino international jurists pinarangalan sa The Hague

Tatlong Filipino international jurists pinarangalan sa The Hague

Jofelle Tesorio | TFC News The Netherlands

 | 

Updated Jul 27, 2022 12:33 AM PHT

Clipboard

THE HAGUE - Kinilala ang kontribusyon ng tatlong kilala at batikang Filipino international jurists sa inagurasyon ng bagong ayos na Cesar Bengzon Hall, sa makasaysayang gusali ng Philippine Embassy sa The Hague, The Netherlands.

Ribbon cutting ng Cesar Bengson Hall
Ang ribbon cutting ng bagong ayos na Cesar Bengson Hall

Cesar Bengzon Hall sa “Bagong Munisipyo” ng The Hague

Si César Fernando Cabrera Bengzon ay Philippine Supreme Court Chief Justice mula 1961 hanggang 1966. Nagsimula bilang law clerk si Bengzon at naging Solicitor General at Undersecretary of Justice noong 1933.

Bengzon Hall
Ang bagong ayos na Cesar Bengzon Hall

Larawan ni Justice Cesar Bengzon
Larawan ni dating Philippine Supreme Court Chief Justice Cesar Bengzon

Noong 1936 itinalaga siya sa Court of Appeals at naging Associate Justice sa Supreme Court noong 1945. Bago siya nagretiro noong 1966, itinalaga siyang Judge sa International Court of Justice (ICJ) sa The Hague.

Ang ICJ na tinatawag ding World Court ay isa sa mga pangunahing sangay ng United Nations. Dinidesisyunan nito ang mga hindi pagkakasundo ng mga bansa at nagbibigay din ng mga advisory opinion hinggil mga isyung may kinalaman sa pandaigdigang batas.

ADVERTISEMENT

Pagpupugay sa Filipino international jurists

Ang Bengzon Hall ay pagpupugay din sa dalawa pang kilalang Filipino international jurists na sina dating SC Associate Justice Florentino Feliciano, naging founding member at chairperson ng Appellate Body of World Trade Organization (WTO) mula 1995 hanggang 2001 at dating International Criminal Court Judge Raul Pangalangan na nagsilbi sa ICC mula 2015 hanggang 2021.

Feliciano
Larawan ni Judge Raul Pangalangan at Justice Florentino Feliciano sa Bengzon Hall

Ang Appellate Body ay mahalagang bahagi ng WTO kung saan dinidesisyunan nito ang mga hindi pagkakasundo sa usapin ng pandaigdigang kalakalan.

Ang ICC naman ay isang intergovernmental organization at international tribunal kung saan ito ang kauna-unahan at nag-iisang permanent international court na may hurisdiksyon upang litisin ang mga indibidwal sa mga itinuturing na international crimes gaya ng genocide, crimes against humanity, war crimes, at crime of aggression.

Makikita sa Bengzon Hall ang mga compendium ng mga desisyon at resolusyon nina Bengzon at Feliciano noong sila ay SC Justices at mga sinulat na libro ni Pangalangan.

Mga libro tungkol at sinulat ni Justice Florentino Feliciano
Mga librong tungkol at sinulat ni Justice Florentino Feliciano sa Bengzon Hall

Sulat
Liham ni Chief Justice Cesar Bengson sa kanyang anak na si Agustin

Nandoon din ang mga larawan ng tatlo habang sila ay nagsilbi bilang judges sa mga international tribunal sa The Hague.

ADVERTISEMENT

“As a member of the court (ICJ), Judge Bengzon made a significant contribution to the work of the court and the development of the international law,” pahayag ni ICJ Vice-President Kirill Gevorgian.

Speech ni Iwasawa Yuji
Speech ni ICJ Vice-President Kirill Gevorgian

Sinabi naman ni ICJ Judge Iwasawa Yuji na malaki ang papel na ginampanan ng tatlo sa tribunals sa The Hague, kung saan dalawa sa kanila ay kanya pang nakatrabaho.

Judge Yuji
Speech ni ICJ Judge Iwasawa Yuji

Sa video message naman ni Chief Justice Alexander Gesmundo, sinabi niya na pinatunayan ng tatlong international judges sa international legal community na ang mga Filipino jurists ay world-class at lead actors sa larangan ng international law, kung saan naging halimbawa ang kontribusyon ng Pilipinas sa pagbuo ng UN Charter, ang mapayapang pagsasaayos ng mga hindi pagkakasundo na nakapaloob sa Manila Declaration ng 1982, at mahahalagang bahagi (archipelagic doctrine at maritime entitlement) ng UN Convention on the Law of the Sea.

Video message ni CJ
Video message ni Philippine Chief Justice Alexander Gesmundo

Pasasamalat ng Pamilya Bengzon

Sa ngalan ng pamilya Bengzon, nagpasalamat ang apo niyang si Atty. Anthony Bengzon sa mga pagkilalang iginawad sa kanyang lolo. Sinundan niya ang yapak ng kanyang lolo at kinilala ring siyang magaling na intellectual property lawyer.

“It has always been our dream that somehow our grandfather receives some sort of recognition and the Philippine Embassy in The Hague has given that honour precisely in the location where the International Court of Justice which is The Hague,” saad ni Atty. Bengzon.

Anthony Bengzon
Si Atty. Anthony Bengzon, apo ni dating Philippine Supreme Court Chief Justice Cesar Bengzon

Para kay Philippine Ambassador and Permanent Representative to the WTO Manuel Antonio Teehankee na dumalo sa okasyon, kilala si Chief Justice Bengzon sa kanyang pagiging mahinahon.

“He had a renowned reputation for sobriety and moderation. He was one of the strong voices in history recommending the rational and moderate approach as we encourage international relations towards peaceful justice,” sabi ni Ambassador Teehankee.

ADVERTISEMENT

Binigyang pugay naman ni Josephine Feliciano-Reyes si Justice Feliciano sa pamamagitan ng mga anekdota tungkol sa kanyang ama.

Anya, bagama't medyo istrikto, resonable at mapagmahal na ama si Justice Feliciano. Madalas na tema ng usapan sa kanilang tahanan ang mga isyung panlipunan kung saan may opinyon ang kanyang ama.

“My sister, my brother, and I can only speculate what he would say about recent events in particular about the recent armed conflict that is going on right now in Ukraine. I know that he would be very deeply saddened by these events. However, for him, the law is to be used as a tool to mitigate these kinds of conflicts. What is needed is the dedication of the international jurists who are here and the courage of the ordinary man on the street. With the rule of law, put that together, we can find a way out of this conflict somehow,” banggit ni Feliciano-Reyes, bilang paggunita sa ama.

Josephine
Speech ni Josephine Feliciano-Reyes tungkol sa kanyang amang si Justice Feliciano

Samantala, personal na dumalo si Judge Pangalangan sa pagpaparangal. Anya malaki ang kontribusyon ng international law sa personal na buhay ng mga ordinaryong mamamayan gaya ng OFWs.

Raul
Speech ni ICC Judge Raul Pangalangan

Kasama ni Judge Pangalangan ang kanyang maybahay na si Prof. Elizabeth Aguiling-Pangalangan, isa ring kilalang international lawyer at chairperson ng Philippine Society of International Law (PSIL), na siyang katuwang ng Philippine Embassy-The Hague sa pagpaparangal. Bago natalaga sa ICC, marami nang kontribusyon sa international law si Judge Pangalangan.

ADVERTISEMENT

Noong 1998, naging Philippine delegate siya sa pag-draft ng Rome Statute, ang naging basehan ng pagtatatag ng ICC.

Sinundan ito ng pagiging co-chair sa national campaign para sa ratification ng Pilipinas at iba pang bansa sa Asya-Pasipiko sa Rome Statute.

“I think the importance of the event today is larger than the individual tribunals here in The Hague. It is about the place of international law in the history of our country. I think at this point in our history, the biggest debates are based on some international law issues like human rights, our claims over the South China Sea, or for that matter, the protection of Filipino migrant workers,” saad ni Pangalangan.

Mga bisita
Mga dumalo sa pagpapasinaya ng Cesar Bengzon Hall

Amb Malaya and friends
Sina Permanent Court of Arbitration Secretary-General Marcin Czepelak (kaliwa), ICC Judge Raul Pangalangan (gitna) at Philippine Ambassador to the The Netherlands J. Eduardo Malaya (kanan)

Naniniwala rin si Judge Pangalangan na may mga susunod pang mga abogadong Pilipino na maaaring ma-appoint sa international tribunals.

Dumalo rin sa okasyon sina Permanent Court of Arbitration Secretary-General Marcin Czepelak at sinabing malaking bagay ang pagkilala sa tatlong Filipino jurists sa pagbahagi ng kanilang oras sa pagbubuo ng community of nations.

ADVERTISEMENT

Speech ni Ambassador Malaya sa pagpapasinaya ng Cesar Bengzon Hall
Speech ni Ambassador J. Eduardo Malaya sa pagpapasinaya ng Cesar Bengzon Hall

Ang Bengzon Hall na bahagi ng tinatawag na ‘Bagong Munisipyo’ sa The Hague ng mga Pinoy ay proyekto ni Ambassador J. Eduardo Malaya na isa ring international lawyer.

Para sa mga nagbabagang mga balita tungkol sa ating mga kababayan sa Europa, Gitnang Silangan at Africa, tumutok sa TFC News sa TV Patrol.

Read More:

TFC News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.