Ilang mag-aaral sa U-Belt nanawagan ng mas maayos na public transport system | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Ilang mag-aaral sa U-Belt nanawagan ng mas maayos na public transport system

Reiniel Pawid,
ABS-CBN News
Published Jul 23, 2022 06:29 PM PHT

Nanawagan ang ilang mag-aaral sa University belt sa Maynila na magkaroon ng maayos na public transport system bago ang face-to-face classes sa Agosto.

Ang estudyanteng si Joshua Manalo bumibiyahe pa mula General Trias, Cavite. Naka-enroll siya sa isang review center sa Morayta, Manila. Bago makapasok, tatlong sakay-lipat siya ng tricycle, jeep at bus.

Malayo ito sa dating sitwasyon na may diretsong biyahe mula sa kanila hanggang sa kanyang pinapasukan. "Medyo nakakapagod po at hassle yung pagpila sa public transpo umaabot po ng less than 1 hour," dagdag ni Manalo.

Problema rin ng magkaibigang sina Bryan Reyes at Jake Javier ang biyahe papasok sa Maynila lalo na’t Galing pa sila ng Laguna. Dalawa hanggang tatlong sakay rin sila bago makapasok.

ADVERTISEMENT
Ang dating nasa 90 pesos lang na gastos sa pamasahe umabot na sa 120 pesos.

"Mas kaunti po talaga ang magagastos kung 1-way trip tsaka less hassle po hindi na pababa-baba," ani Javier.

Inaayos na ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang pagbubukas muli ng ilang ruta sa Metro Manila kasabay ng face-to-face classes sa susunod na buwan.

Sa susunod na Linggo nakatakdang tukuyin ng ahensiya ang mga rutang bubuksan.

Samantala, inaasahan naman na Department of Transportation ang pagbigat ng daloy ng trapiko sa mga pangunahing kalsada dahil sa balik-eskwela sa susunod na buwan.

Tinatayang karagdagang 15 percent sa passenger volume ang hatid ng higit 27 million na mag in-person classes.

Batay sa datos ng Department of Education, 27.56 million students at 876,000 na guro ang magbabalik-paaralan.

Dito sa Metro Manila tuloy ang koordinasyon ng ahensya sa MMDA at lokal na pamahalaan para sa ligtas na biyahe ng mga komyuter lalo na nag mga estudyante.

Patuloy naman ang libreng sakay ng LRT 2 mula Agosto 22 hanggang Nobyembre 4.

KAUGNAY NA ULAT:
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT