Pagproseso ng passport, pinaikli; maaaring makuha sa loob ng 5 araw: DFA | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Pagproseso ng passport, pinaikli; maaaring makuha sa loob ng 5 araw: DFA

ABS-CBN News
Published Jul 21, 2023 11:14 PM PHT

MAYNILA — Inanunsiyo ng Department of Foreign Affairs (DFA) na pinaikli na ang pagproseso sa mga passport mapa-regular man o express application.

Simula sa Lunes, Hulyo 24, iiksi na ang panahon ng paghihintay ng mga aplikante bago ma-release ang kanilang mga passport, ayon kay Office of Consular Affairs Asec. Henry Bensurto Jr.

"Pag regular passport [ang inapplyan], nare-release siya ng mga 12-14 days po. Pero ngayon, napaiksi na natin siya ng up to 10 days na so in 10 days, mare-release na," ani Bensurto sa Kasalo sa TeleRadyo Serbisyo nitong Biyernes ng gabi.

"Pag express po, 7 days. Ngayon po, 5 days na lang," dagdag niya.
"Pag express po, 7 days. Ngayon po, 5 days na lang," dagdag niya.
ADVERTISEMENT
Nilinaw naman ng kalihim na para lamang sa mga taga-Metro Manila ang time frame na limang araw.

Aniya, sa mga consular offices sa ibang parte ng Luzon, Visayas, at Mindanao, mapabibilis din ang pagproseso ngunit hindi kasing bilis tulad ng limang araw sa Metro Manila dahil kailangan ikonsidera ang pagbiyahe o shipping ng mga passport.

"Doon po sa mga consular offices na located sa ibang parte ng Luzon, sa Visayas, at Mindanao, 'yung regular passport po na 15 days, nababaan po natin 'yan to 12 days. At 'yung express naman na 10 days, ngayon naman ay 7 days na lang," ani Bensurto.

Bukod pa rito, napababa rin umano ang oras ng paghihintay sa mga aplikanteng nag-avail ng services ng mga courier.

"Kung 'yung mga aplikante naman po ay nag-avail ng services ng mga courier, normally po dati ang express [application] ay mga 12-15 days, ngayon po ay 10-12 na. And then kung regular po, dati umaabot ng 20 days, ngayon po 15-17 days na."

Dagdag pa ni Bensurto, kasalukuyang walang nararamdaman na mahahabang pila sa kanilang mga opisina.

Aniya, kung dati ay inaabot ng anim hanggang pitong buwan ang pagkuha ng appointment para sa passport, ngayon ay maaari ka nang makakuha ng appointment sa loob ng 5-12 araw.