Pagbabakuna vs rabies para sa mga pusa, aso naantala dahil sa pandemya | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Pagbabakuna vs rabies para sa mga pusa, aso naantala dahil sa pandemya

Elaine Fulgencio,
ABS-CBN News
Published Jul 21, 2020 04:46 PM PHT
|
Updated Jul 21, 2020 04:47 PM PHT

DAGUPAN CITY, Pangasinan — Natambakan ang city veterinary office dito ng mga babakunahang hayop kontra rabies matapos matigil dahil sa COVID-19 lockdown, kaya naman puspusan ang ginagawang pagbabakuna ngayon sa mga barangay.

Ayon sa city veterinarian, aabot sa 12,000 aso at pusa ang kailangan nilang bakunahan ngayong taon.

May 1,000 nang nabakunahan habang tuloy ang pag-ikot nila sa mga barangay.

"Maghahabol po kami sa vaccination pero maski ganun po ang nangyari ginagawa po ng city veterinary office na mabakunahan po lahat ang mga barangay," ani Dr. Michael Maramba, city veterinarian ng Dagupan.

ADVERTISEMENT
Sa record ng city health office, may 5 kaso ng rabies sa Dagupan.

Walang gamot kapag kumalat na ang rabies virus sa tao kaya ito nakamamatay.

Bukod sa kagat, maaaring maipasa ang virus sa pamamagitan ng kalmot o laway ng aso o pusa na infected ng rabies.

Sapat naman daw ang rabies vaccine para sa mga alagang hayop.

Kasabay ng kanilang pag-iikot sa barangay ang pagpapaalala na may umiiral na ordinansa na bawal ang pagala-galang aso dahil puwedeng magmulta ang mga lalabag.

Ngayong tag-ulan, binabantayan din ang kaso ng ubo't sipon sa mga alaga.

"Pero pagdating po sa tag-ulan usually ang nangyayari either parasitism or respiratory disease," ani Maramba.

Para makaiwas sa ubo't sipon ang mga alaga, dapat may maayos na kulungan, kompleto sa pagkain, bakuna, at bitamina ang mga ito.