'Wala kaming kasalanan': 5 pulis iginiit na lehitimo ang operasyon sa computer shop | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
'Wala kaming kasalanan': 5 pulis iginiit na lehitimo ang operasyon sa computer shop

ABS-CBN News
Published Jul 18, 2023 08:46 AM PHT

Nanindigan ang 5 pulis na dawit sa pagnanakaw at pangingikil ng isang computer shop sa Sampaloc, Maynila na wala silang kasalanan nang humarap sa media nitong Martes ng umaga.

Ayon kay Patrolman Jhon Lester Pagar, isa sa mga suspek, boluntaryo silang sumuko para sagutin ang mga alegasyon laban sa kanila.

“We voluntarily presented ourselves dahil unang una po nasa fiscal na po ang kaso. Doon na lang po namin sasagutin ang mga alegasyon laban samin po. Meron din po kaming mga ebidensyang hawak na magpapatunay na wala po kaming kasalanan,” giit ni Pagar.

Sa pahayag naman ni PSSg Ryann Paculan, isa rin sa mga suspek, sinabi niya na lehitimo ang isinagawa nilang operasyon sa computer shop na nagpapatakbo umano ng ilegal na aktibidades tulad ng online casino.

“Nakakalap kami ng aming mga surveillance videos na nagkukumpirma ng kanilang ilegal na aktibidades. Nang araw din ‘yon nakuha namin ang resulta na nagsasaad na ang Brexicon Internet Cafe ay hindi nakarehistro o wala sa listahan ng mga lehitemong negosyo na may karapatan mag-operate sa Lungsod ng Maynila,” ayon sa salaysay ni Paculan.

Unang sumuko ang 5 pulis na kinilalang sina PSSg Ryan Paculan, PSSg Jan Erwin Isaac, PCpl Jonmark Dabucol, Pat Jeremiah Pascual, at Pat Jhon Lester Pagar sa tanggapan ng Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) noong Lunes at nasa restrictive custody na ngayon ng Manila Police District.

“Wala pa naman pong warrant of arrest kaya bilang miyembro pa rin ng PNP, magiging closely monitored po sila. ‘Yung mga movement nila, dapat alam ng MPD. Ito pong pagpe-present natin sa kanila ay para maipakita natin sa publiko na wala tayong tinatago na usapin dito,” ani MPD Director PBGen Andre Dizon.

Una nang sinibak sa pwesto ang mga miyembro ng District Police Intelligence Operations Unit (DPIOU) ng MPD na kinabibilangan ng mga sangkot na pulis.

Sinampahan na sila ng mga reklamong robbery with intimidation at grave misconduct.