Tulay sa Isabela, nalubog sa bahang dala ng habagat | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Tulay sa Isabela, nalubog sa bahang dala ng habagat

Tulay sa Isabela, nalubog sa bahang dala ng habagat

ABS-CBN News

Clipboard

Hindi makadaan ang ilang motorista sa tulay na nalubog sa baha sa Santiago City. Larawan mula kay Jhunard Base Atienzar 
Hindi makadaan ang ilang motorista sa tulay na nalubog sa baha sa Santiago City. Larawan mula kay Jhunard Base Atienzar


SANTIAGO CITY — Hindi madaanan lalo ng maliliit na sasakyan ang tulay sa Barangay Malini, Santiago City sa Isabela province matapos malubog sa baha ngayong Lunes.

Umapaw kasi ang ilog sa lugar dahil sa walang patid na ulan simula pa Linggo ng gabi.

Sa bilis ng pag-apaw ng ilog, hindi na naiahon ang heavy equipment na ginagamit sa paggawa ng river control kaya nalubog rin ito.

Lumubog ang backhoe na ito matapos tamaan ng baha ang isang tulay sa Barangay Malini, Santiago City, Isabela ngayong Hulyo 18, 2022. Courtesy: Ezmie Ullani
Lumubog ang backhoe na ito matapos tamaan ng baha ang isang tulay sa Barangay Malini, Santiago City, Isabela ngayong Hulyo 18, 2022. Courtesy: Ezmie Ullani

Magtatanghali na pero nananatiling lubog pa rin sa tubig ang tulay, ayon pa sa mga residente.

ADVERTISEMENT

Wala pa naman binabahang mga bahay, pero ibayong pag-iingat at maging alerto ang payo sa mga nakatira sa tabing-ilog at mabababang lugar.

—Ulat ni Harris Julio

KAUGNAY NA VIDEO:

Watch more News on iWantTFC

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.