Bagong SRP ng lokal, imported bigas planong ilabas sa Hulyo | ABS-CBN

Featured:
|

ADVERTISEMENT

Featured:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Bagong SRP ng lokal, imported bigas planong ilabas sa Hulyo

Bagong SRP ng lokal, imported bigas planong ilabas sa Hulyo

ABS-CBN News

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

Planong magpatupad ng panibagong suggested retail price (SRP) ng gobyerno para sa lahat ng imported at lokal na bigas sa merkado.

Pangangasiwaan ng National Economic and Development Authority, Department of Agriculture, Department of Finance, at Department of Trade and Industry ang paglalabas ng SRP ng lokal at imported na bigas. Inaasahang ilalabas ito ngayong Hulyo.

Ayon kay Agricultural Secretary Manny Piñol, ang pagbabasehan umano ng pagko-compute ng SRP ang magiging landed cost ng imported na bigas at market price ng lokal na palay.

Paliwanag niya, dagsa na ang imported na bigas sa palengke bunsod ng rice tariffication, o iyong malayang pag-aangkat ng bigas pero hindi pa rin aniya bumababa ang presyuhan nito.

ADVERTISEMENT

"'Yong landed cost ng bigas from Thailand is about P23 (kada kilo), 'yong sa Vietnam about P25, 'yong sa Myanmar is P18. Pero ang bentahan sa palengke, and this was what surprised us, mataas pa rin” ani Piñol.

Sa Muñoz Market sa Quezon City, nasa P35 hanggang P41 kada kilo ang lokal na bigas, habang P43 pataas ang presyo ng imported na bigas.

Ayon sa ilang tindera, halos wala umano itong pagbabago magmula nang maisabatas ang rice tariffication law noong Marso.

Aminado ang ilang mamimili, tulad ni Lilibeth Mobo, na hindi nila dama ang pagbaba ng presyo ng bigas.

"Pakiramdam ko wala pa rin, ganoon pa rin kasi... Kailangan ko pa rin maghigpit ng sinturon eh," sabi ni Mobo, na pareho pa rin umano ang dami ng binibiling bigas sa merkado.

Bukod sa mga imported at local na commercial rice, tiniyak ni Piñol na makakabili pa ang mga consumer ng NFA rice na P27 per kilo hanggang Setyembre.

--Ulat ni April Rafales, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.