Gov't documents libre para sa first-time jobseekers simula Agosto | ABS-CBN

Featured:
|

ADVERTISEMENT

Featured:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Gov't documents libre para sa first-time jobseekers simula Agosto

Gov't documents libre para sa first-time jobseekers simula Agosto

ABS-CBN News

 | 

Updated Jul 14, 2019 06:19 PM PHT

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

Unang beses na sasabak sa paghahanap ng trabaho ang fresh graduate na si Jiggy Francisco.

Bilang paghahanda, inasikaso ni Francisco ang mga pangunahing dokumentong kakailanganin sa pag-aplay ng trabaho.

Ikinutuwa ni Francisco nang mabatid na libre nang makukuha ang mga dokumento mula sa iba't ibang ahensiya ng gobyerno alinsunod sa Republic Act No. 11261 o First-Time Jobseekers Assistance Act.

"Malaking tulong na po sa amin 'yon. Puwede na po namin ipangpamasahe po, pangkain... puwede po namin ipangkuha sa ibang government IDs," ani Francisco sa panayam ng ABS-CBN News.

ADVERTISEMENT

Sa tantiya ng Department of Labor and Employment, nasa P1,500 hanggang P2,500 ang matitipid ng aplikante kapag naging epektibo na ang batas sa Agosto.

Kasama sa mga dokumentong libreng makukuha ng first-time jobseekers ang mga sumusunod:

  • Barangay clearance/ certificate
  • National Bureau of Investigation clearance
  • Police clearance
  • Medical clearance
  • Transcript of records
  • Tax identification number
  • National certificate
  • Iba pang government-issued documents na hihingin ng employers

Nilinaw naman ni Bureau of Local Employment director Dominique Tutay ang kahulugan ng "first-time job seeker."

"Ang first-time job seeker ay kapag ikaw po ay bagong graduate whether tech-voch, college o senior high school, and then hindi ka pa po talaga nakapaghanap ng trabaho," ani Tutay.

Para ma-avail ang benepisyo, kailangan lamang ipakita ang kinuhang certification mula sa barangay na nagpapatunay na unang beses na naghahanap ng trabaho ang isang aplikante.

Hindi bababa sa 1.3 milyon ang bilang ng first-time jobseekers kada taon, ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III.

-- Ulat ni Zen Hernandez, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.