Kolehiyo sa China na ipinangalan sa ina ni Pres. Duterte, naghahanap ng iskolar | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Kolehiyo sa China na ipinangalan sa ina ni Pres. Duterte, naghahanap ng iskolar

Kolehiyo sa China na ipinangalan sa ina ni Pres. Duterte, naghahanap ng iskolar

Bonna Pamplona,

ABS-CBN News

Clipboard

DAVAO CITY - Naghahanap ngayon ng mga Pilipinong iskolar ang Soledad College sa Fujian Normal University sa Fuzhou City, Fujian, China.

Limampung Pilipino na gustong magka-Master’s Degree sa Business Administration, International Business, Tourism Management, at Materials Engineering at Radio and Television ang pagpipilian.

Itinayo ang Soledad College noong 2017 na ipinangalan kay Soledad "Nanay Soling" Duterte, ang ina ni Pangulong Rodrigo Duterte.

May dugong Tsino si Nanay Soling at may mga kaanak rin ito umano na naninirahan noon sa Fujian.

ADVERTISEMENT

Ayon kay Dr. Zhang Shifang, ang Deputy Dean of the International College of Chinese Studies ng Fujian Normal University, libre ang lahat na gastos sa mga makakapasa sa scholarship.

Bukod sa libreng tuition, may buwanang allowance rin na matatanggap ang mga mapipiling iskolar.

“We will extend up to the end of July [and] we hope to get 50. For every [scholarship] program we have to get 50,” ani Zhang.

Sa 50 na iskolar na hinahanap, 30 na slot ang inilaan sa mga residente ng siyudad ng Davao.

May 10 Pilipinong iskolar ngayon sa Soledad College.

ADVERTISEMENT

Isa sa mga iskolar ay si Raychelyn Galang na kumukuha ng International Business course. Sabi niya, malaking tulong at oportunidad sa kanya ang makapag-aral sa ibang bansa para palawakin pa ang karanasan.

"Everything is good, that I decided to study my master's degree. This is a good opportunity for us young people to study abroad especially China,” ani Galang.

Sa gustong mag-apply, maaaring mag-email sa fqh1226@hotmail.com at soledad@fjnu.edu.cn

Ang makakapasa ay sasailalim sa screening bago ang online interview.

- Ulat ni Bonna Pamplona, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.