Stranded na truck, nagdulot ng higit 12-oras na trapik sa Benguet | ABS-CBN

Featured:
|

ADVERTISEMENT

Featured:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Stranded na truck, nagdulot ng higit 12-oras na trapik sa Benguet

Stranded na truck, nagdulot ng higit 12-oras na trapik sa Benguet

Justin Aguilar,

ABS-CBN News

Clipboard

Tumagal ng higit sa 12-oras ang idinulot na pagbigat ng daloy ng trapiko sa Baguio-Bontoc Road matapos na ma-stranded ang isang 10-wheeler truck. Larawan mula kay Albert Manangan

BAGUIO CITY - Perwisyo ang inabot ng mga motoristang dumaraan sa Halsema Highway o sa Baguio-Bontoc Road matapos maranasan ang mabagal na daloy ng trapiko simula pa Miyerkoles ng hapon.

Dulot ito ng na-stranded na 10-wheeler truck sa bahagi ng Bocao, Benguet.

Bukod sa madulas ang daan, hindi rin daw natantiya ng driver ang pakurbadang daan kaya’t sumadsad ito sa ginagawang kalsada.

Kasalukuyang nagsasagawa ng reblocking o pagpapalit ng bagong semento sa bahagi ng kalsada kung saan sumadsad ang truck.

ADVERTISEMENT

Walang nagawa ang mga motorista kung 'di ang maghintay sa trapik habang ang ibang pasahero naman ay bumaba na ng bus para pumara ng ibang masasakyan.

Apektado rin sa trapiko ang mga naghahatid ng gulay.

Kung hindi dumating sa tamang oras ang mga delivery ng gulay, tiyak na maaapektuhan ang presyo sa trading post ng La Trinidad, Benguet.

“Parang naapektuhan yung supply. Ganun naman yung law ng demand and supply. Kapag kakaunti yung gulay, tataas talaga yung presyo,” ani Agot Balanoy, head ng Benguet Farmers Marketing Cooperative.

Ayon naman sa Department of Public Works and Highways Benguet 2nd District Engineering Office, nahirapan silang pagaanin ang daloy ng trapiko dahil hindi maalis ang truck sa pagkakaharang sa kalsada. Mabigat umano ang karga nitong mga bakal.

Sa ngayon, nag-backfill na sa bahagi ng kalsadang dapat sana’y sesementuhin para mas mapabilis ang pagdaan ng mga sasakyan. Itutuloy na lamang raw ang konstruksyon sa nasabing kalsada kapag naialis na ang nakaharang na 10-wheeler truck.

Posible rin daw na magpatupad ng bagong polisiya ang DPWH hinggil sa sukat at bigat ng mga truck na maaring dumaan sa Halsema lalo na tuwing maulan.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.