TikTok o hubad? Lalaking lumabag sa curfew sa Tondo pinaghubad ng kagawad | ABS-CBN

HEADLINES:
|

ADVERTISEMENT

HEADLINES:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

TikTok o hubad? Lalaking lumabag sa curfew sa Tondo pinaghubad ng kagawad

TikTok o hubad? Lalaking lumabag sa curfew sa Tondo pinaghubad ng kagawad

Zhander Cayabyab,

ABS-CBN News

 | 

Updated Jul 09, 2020 07:55 PM PHT

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

MAYNILA — Pinaghubo't hubad ng barangay kagawad ang isang lalaking nahuling lumalabag sa curfew sa Tondo, Maynila.

Sa video na kuha at ini-upload mismo ni kagawad Alberto Valenzona, mapapanood na kinakausap ang lalaking nahuling lumabag sa curfew sa Barangay 108, Zone 9 nitong madaling araw ng Huwebes.

Ayon kay Valenzona, pinapili niya ang lalaki — na ilang beses nang nahuli sa mga paglabag — ng parusa.

"Pinapili ko naman sila eh... kulong na lang kita, pag-TikTok-in kita, community service ka, o takbo na nakahubo’t hubad," kuwento ni Valenzona.

ADVERTISEMENT

"Ang pinili niya maghuhubad na lang daw siya," dagdag ng kagawad.

Ayon pa kay Valenzona, kilalang gumagamit ng droga sa kanilang lugar ang lalaki. Kinalbo na niya umano ito noong unang maaresto pero hindi umubra.

"Nakulong na rin iyan eh, ilang beses na rin eh," ani Valenzona.

"Nung pinost ko ‘yon wala namang mukha... nakatakip. Kasi yung kanilang karapatan, ayokong i-violate 'yon," aniya.

Ayon naman kay Rudyrick Simbiling, chairman ng Barangay 108, pinagsabihan na niya ang kagawad.

ADVERTISEMENT

Pero dinepensahan din ni Simbiling ang kagawad.

"'Pag hindi ko kaya lalo sa droga, si Kagawad Al ang pinapapunta ko," ani Simbiling.

"Gabi naman po iyon eh, madaling araw... walang katao-tao," dagdag niya.

Binura na ni Valenzona ang kaniyang post sa social media post.

Pinaiimbestigahan naman ng Commission on Human Rights ang insidente, ayon sa tagapagsalita na si Jacqueline De Guia.

ADVERTISEMENT

Nagpaalala si De Guia na kahit may pandemya, hindi nasuspende ang karapatang pantao.

Maaaring makasuhan ang mga barangay official dahil maituturing na paglabag sa Anti-Torture Act ang kanilang ginawa dahil hindi makatao at nawalan ng dignidad ang lalaking pinaghubad, ani De Guia.

Dapat aniyang tularan ang ibang local government na nagpapalabas ng mga instructional video sa mga nahuhuling violator para maturuan sila ng pag-iingat laban sa COVID-19.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

ABS-CBN is the leading media and entertainment company in the Philippines, offering quality content across TV, radio, digital, and film. Committed to public service and promoting Filipino values, ABS-CBN continues to inspire and connect audiences worldwide.