Mga vendor, kargador, trabahador sa night market sa Divisoria binakunahan | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Mga vendor, kargador, trabahador sa night market sa Divisoria binakunahan

ABS-CBN News
Published Jul 05, 2021 03:55 PM PHT

MAYNILA — Walang tulugan ang bakunahan sa Maynila mula Linggo ng gabi hanggang Lunes ng umaga para sa special vaccination ng mga vendor, pedicab drivers, kargador, at iba pang trabahador sa Divisoria.

Ginawa ang vaccination sa kanto ng Recto at Juan Luna Street sa Tondo.

Ayon kay Manila Mayor Francisco "Isko Moreno" Domagoso, marami kasi sa kanila ang hindi pa rin nababakunahan dahil hindi makapunta sa vaccination sites sa umaga dahil abala sa paghahanapbuhay.

Maging ang mga hindi taga-Maynila na mga truck driver at pahinante, puwedeng pumila para mabakunahan kontra COVID-19.

Dahil bagsakan ng gulay, isda, karne at prutas ang Divisoria, may mga taga-Northern, Central, at Southern Luzon na dumarayo at kailangang protektado rin mula sa COVID-19.

Nasa 1,000 doses ng Sinovac ang nakalaan sa bakunahan, ayon kay Dr. Arnold Pangan, head ng Manila Health Department.

Nilagyan ng tent at mga upuan ang sidewalk para sa pila ng mga magpapabakuna.

Dadaan sila sa registration at pagkuha ng vital signs bago mabakunahan.

May nakalaan ding holding area habang inoobserbahan sila pagkatapos maturukan.

"Kailangan ko rin para may proteksyon. Kasi nagtitinda ako ng gulay eh," ani Zenaida Cabritit, isang vendor.

Inaasahang muling magkakaroon ng special vaccination sa Divisoria ngayong Lunes ng gabi para mas marami pang mga manggagawa ang mabakunahan.

—Ulat ni Lady Vicencio, ABS-CBN News
—Ulat ni Lady Vicencio, ABS-CBN News
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT