Ex-PBA player at misis, kinasuhan ng estafa dahil sa investment scam | ABS-CBN

Featured:
|

ADVERTISEMENT

Featured:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Ex-PBA player at misis, kinasuhan ng estafa dahil sa investment scam

Ex-PBA player at misis, kinasuhan ng estafa dahil sa investment scam

ABS-CBN News

Clipboard

Sinampahan na ng kasong estafa ang dating Philippine Basketball Association (PBA) player na si Samigue Eman at kaniyang misis kaugnay ng umano'y higit P60 milyong investment scam kung saan kabilang sa nabiktima ay mga asawa rin ng ibang basketbolista.

Ito'y matapos dumulog sa National Bureau of Investigation (NBI) ang grupong kinabibilangan ng mga misis ng PBA players at coaches.

Nag-invest umano sila sa negosyo ni Eman na pagpapautang ng pera sa mga naglalaro sa casino sa paniniwalang kikita sila ng 15 porsiyentong interest dito.

Si alyas "Apple," P7 milyon ang ipinasok na pera mula noong 2014.

"Kasi pinapakita niya na marami siyang kaibigan, na maraming nag-invest [kaya] naniwala ako," aniya.

Si alyas "Cathy" naman, P10 milyon ang in-invest sa naturang negosyo.

ADVERTISEMENT

"Siyempre maniniwala ka kasi basketball player siya eh."

Sa ngayon ay hindi na nila mahabol ang mag-asawa na lumipad na umano pa-Amerika kaya hindi na sila umaasa na maibabalik pa ang kanilang pera.

Umabot sa P64 milyon ang in-invest ng pitong nagsumbong na biktima.

Mula kasi noong 2015, hindi na nagbigay ng kita ang mag-asawang Eman, at hindi na rin ibinalik ang principal investment nila.

Paulit-ulit naman ang paalala ng NBI laban sa mga investment scam, lalo na sa mga pangakong mabilisan ang kita.

"Kung pangakuan ka ng ganiyang interes, 'wag ka maniniwala kahit kaibigan mo pa. I-check at verify mo muna," payo ni Atty. Cesar Bacani, regional director ng NBI-NCR.

Bukas naman ang ABS-CBN News para sa panig ni Eman at kaniyang misis.

—Ulat ni Niko Baua, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.