Kaanak ni Jose Rizal, nanumpa bilang mayor ng Calamba | ABS-CBN

ABS-CBN Ball 2025:
|

ADVERTISEMENT

ABS-CBN Ball 2025:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Kaanak ni Jose Rizal, nanumpa bilang mayor ng Calamba

Kaanak ni Jose Rizal, nanumpa bilang mayor ng Calamba

Dennis Datu,

ABS-CBN News

Clipboard

MANILA — Nanumpa na si Rosseller "Ross" Rizal bilang ika-23 alkalde ng Calamba City, Laguna.

Mula sa angkan ni pambansang bayani Dr. Jose P. Rizal ang bagong alkalde.

Nagsimula si Rizal na magsilbi sa pamahalaan noong 1986 bilang clerk.

Bago nahalal na mayor, nagsilbi siyang bise-alkalde ng lungsod.

ADVERTISEMENT

Pinalitan niya bilang mayor si Timmy Chipeco.

Halos 20 taon na hinawakan ng pamilya Chipeco ang pamumuno sa Calamba City, kung saan ipinanganak at lumaki si Gat Jose Rizal.

BIÑAN

Sa Biñan City, Laguna naman, nanumpa na rin sa tungkulin si Atty. Arman Dimaguila, Jr. bilang mayor.

Nasa ikatlo at huling termino na si Mayor Dimaguila.

Nanumpa na rin si Vice Mayor Gel Alonte at mga miyembro ng Sangguniang Panglungsod.

Sa Batangas, muling nanumpa sa tungkulin si Hermilando Mandanas bilang gobernador para sa kaniyang ikatlo at huling termino.

Sa Oriental Mindoro, nanumpa na rin sa tungkulin ang actor na si Ejay Falcon bilang vice governor.

Kasabay niyang nanumpa si Humerlito Dolor bilang gobernador na nasa ikalawang termino na.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.