Kawad ng kuryenteng nakadikit sa kabahayan, inireklamo | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Kawad ng kuryenteng nakadikit sa kabahayan, inireklamo

ABS-CBN News
Published Jun 27, 2017 01:21 PM PHT

Inireklamo ng isang residente ang kawad ng kuryente ng Meralco na nakadikit sa puno at malapit sa mga kabahayan sa Novaliches.

Idinaan ni Ildefonso Fango ang reklamo sa programang Lingkod Kapamilya ng DZMM Martes ng umaga.

Ayon kay Fango, may dalawang taon na nilang inirereklamo ang peligrosong sitwasyon sa Meralco pero hanggang ngayon ay hindi pa maaksiyunan.

“Tumawag ulit ako sa kanila, ayusin ninyo itong kawad nyo. May pumunta sa akin, sabi kasi gabi na, babalikan ka namin kinabukasan. Bumalik naman kinabuksan sabi walang equipment kung maaari tatalian lang muna nila, hilahin para lumayo sa mga bahay. Pumayag naman ako kasi gentleman ang usapan ang sabi babalikan naman, pero wala na,” sabi ni Fango.

ADVERTISEMENT
Patuloy nagpa-follow up sa kumpanya si Fango lalo na’t tumanggi ang kanyang trabahador na magpapalit ng kanilang bubong dahil malapit doon ang kawad ng kuryente.

Nangako naman si Renzanne Fortaleza, Corporate Communication Associate ng Public Information Office ng Meralco, na mamadaliin na nila ang pagpapalit ng poste ng kuryente sa lugar.

“Kinausap ko na engineers tungkol dito at ginawan ng safety measures habang hinihintay yung schedule ng pagpapalit ng poste. Yung schedule ng pagpapalit ng poste i-expedite within this week,” pangako ni Fortaleza.