3 bata, ina at lola minasaker sa bahay

HEADLINES:
|

ADVERTISEMENT

HEADLINES:
|

3 bata, ina at lola minasaker sa bahay

Jeff Hernaez,

ABS-CBN News

 | 

Updated Jul 04, 2017 06:53 PM PHT

Clipboard

MANILA - (UPDATED) Pinagsasaksak hanggang mapatay ng hindi pa nakilalang salarin ang 3 bata at kanilang ina at lola sa loob ng kanilang tahanan sa San Jose del Monte, Bulacan Martes.

Nadiskubre ang mga bangkay ng padre de pamilya na si Dexter Carlos Sr., isang security guard.

Nahanap ni Carlos sa loob ng kuwarto sa itaas na palapag ng bahay ang mga anak niyang edad 1, 7 at 11.

Sa likurang bahagi naman ng bahay nakita ang misis niyang si Estrella Dizon, 35, habang sa sala nadiskubre ang ina nitong si Auring Dizon.

ADVERTISEMENT

Taliwas sa mga naunang ulat, napag-alaman ng mga imbestigador na sapilitang binuksan ang likurang pinto ng bahay, ayon kay Supt. Fitz Macariola, hepe ng San Jose del Monte police.

Ani Macariola, tinitingnan ang anggulong ginahasa ang mag-inang Estralla at Auring dahil wala silang saplot nang matagpuan.

Inaalam rin kung pinagnakawan ang mga biktima bagamat hindi nagulo ang mga gamit sa bahay nang mangyari ang krimen.

Naniniwala naman ang padre de pamilya na maaaring kakilala ng kanilang pamilya ang nasa likod ng krimen. Umapela siya sa salarin na sumuko na.

Hindi pa tiyak ang mga imbestigador kung iisa lang ang pumaslang sa mga biktima.

Editor's Note: Ang ama ng mag-anak na naging biktima ng krimen ay si Dexter Carlos Sr.
Ang pangalan na unang lumabas sa ulat na ito ay Dexter Carlos Jr., na pangalan ng nasawing anak ni G. Carlos.
Humihingi tayo ng paumanhin para sa pagkakamaling ito.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

ABS-CBN is the leading media and entertainment company in the Philippines, offering quality content across TV, radio, digital, and film. Committed to public service and promoting Filipino values, ABS-CBN continues to inspire and connect audiences worldwide.

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.