ALAMIN: Batas na gumagarantiya sa kaligtasan ng mga manggagawa | ABS-CBN

ABS-CBN Ball 2025:
|

ADVERTISEMENT

ABS-CBN Ball 2025:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

ALAMIN: Batas na gumagarantiya sa kaligtasan ng mga manggagawa

ALAMIN: Batas na gumagarantiya sa kaligtasan ng mga manggagawa

ABS-CBN News

 | 

Updated Jun 26, 2019 05:19 PM PHT

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

MAYNILA — Nakapailalim sa Republic Act 11058 o Occupational Safety and Health Standards Act ang pagtataguyod sa kaligtasan ng mga manggagawa sa kanilang pinagtatrabahuhan.

Ayon kay Atty. Noel Del Prado, kabilang sa mga probisyon ng batas ang pag-abiso sa mga manggagawa sa kondisyon ng pagtatrabahuhan nilang lugar.

"Ito ay pinag-uutos ng batas bilang responsibildad ng employer na tiyakin na may pangunahing tungkulin na panatilihin ang kaligtasan ng lahat ng nagtatrabaho," ani Del Prado sa "Usapang de Campanilla."

May karapatan din ang manggagawa na i-report ang ano mang mamataan na "work hazard" sa trabaho, at tumanggi sa trabaho kapag may makitang matinding panganib dito.

ADVERTISEMENT

Dapat ding may protective gear ang mga trabahador lalo na kung mapanganib sa kaniyang kaligtasan o kalusugan ang ipinapagawa.

Dapat ding may safety device at signs sa loob ng pagtatrabahuan.

Meron din dapat aniyang Occupational Safety and Health Committee ang kompanya, kung saan mamumuno ang employer o kahit sinong kinatawan nito.

Multa at pagkakakulong ang maaaring harapin ng mga namumuno sa kompanya kung mapatunayang may paglabag ito sa safety standards na itinatakda ng batas.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.