Good Manners and Right Conduct, ituturo muli sa mga paaralan | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Good Manners and Right Conduct, ituturo muli sa mga paaralan

Joyce Balancio,
ABS-CBN News
Published Jun 25, 2020 05:31 PM PHT

Ituturo na muli sa mga paaralan ang subject na Good Manners and Right Conduct o GMRC.

Ito'y matapos lagdaan ni Pang. Rodrigo Duterte ang panukalang batas para maisama muli sa curriculum ng mga estudyante ang GMRC.

Sa ilalim ng Republic Act No 11476 na pinirmahan ng Pangulo, nakasaaad na papalitan nito ang Edukasyon sa Pagpapakatao sa K-12 curriculum.

Isasama sa araw-araw na learning activities sa kindergarten ang GMRC habang ituturo naman ito bilang hiwalay na subject mula Grade 1 hanggang 6.

Dito ay tuturuan ang mga estudyante ng pag-aalaga sa sarili, pagtulong sa kapwa, respeto sa ibang tao, displina at kaayusan, at pagsusulong ng values gaya ng pagiging sinsero, tapat, masunurin at higit sa lahat, mapagmahal sa bansa.

Sa Values Education naman ihahalo ang GMRC para sa Grade 7 hanggang 10, habang iintegrate na lang ang values education sa mga subject sa Grades 11 at 12 sa K-12 Basic Education Curriculum.

Sasakupin din ng pagtuturo sa GMRC ng ibang mahahalagang konspeto gaya ng respeto sa mga nakakatanda, intercultural diversity, gender equity, ecology at integrity of creation, peace and justice, obedience to the law, nationalism at iba pa.

Inatasan naman sa batas ang Department of Education na magsagawa ng training para sa mga guro na magtuturo ng GMRC at Values Education.

Kada taon ay magsasagawa naman ng review ang DepEd sa institutionalization ng GMRC at Values Education sa K-12 program at magsusumite ito ng report sa Committee on Basic Education ng parehong Kapulungan ng Kongreso.

Magiging epektibo ang batas 15 araw matapos ang official publication nito sa mga pahayagan at Official Gazette.