Flashfloods tumama sa ilang bahagi ng Pampanga, Bataan, Tarlac | ABS-CBN

ABS-CBN Ball 2025:
|

ADVERTISEMENT

ABS-CBN Ball 2025:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Flashfloods tumama sa ilang bahagi ng Pampanga, Bataan, Tarlac

Flashfloods tumama sa ilang bahagi ng Pampanga, Bataan, Tarlac

Gracie Rutao,

ABS-CBN News

Clipboard

Tinamaan ng malakas na hanging at ulan ang ilang bahagi ng Central Luzon nitong Huwebes, Hunyo 25, 2020. Kuha ni Joyce Anne Domasian

CLARK - Malalakas na hangin na may kasamang mahina hanggang katamtamang lakas ng ulan ang naranasan Huwebes ng hapon hanggang gabi sa iba't ibang bahagi ng lalawigan ng Pampanga.

Nakaranas din ng malakas na pag-ulan ang ibang residente sa Capas, Tarlac, partikular na sa Barangay Cutcut 2, na nilimas ng
tubig dala ng umapaw na mga kanal.

Malakas na ulan din ay nakapagdulot ng flashflood sa Barangay Balon Anito, Mariveles sa Bataan. Hirap din ang mga motorista dahil sa baha sa daan sa Barangay Poblacion sa naturang bayan.

Ayon sa PAGASA, walang ibang weather system kundi mga isolated thunderstorms ang nararanasan.

ADVERTISEMENT

“Itong mga isolated thunderstorms, 'yun lamang sa ngayon ang nagbibigay sa atin ng pag-ulan. Malakas na hangin din po yan. Kung minsan may kasama pong yan na ipo-ipo, minsan naman po umuulan ng yelo,” ani Manuel Esguerra jr., chief meteorological officer ng PAGASA-Clark.

Inaasahang tatagal ng isa hanggang dalawang araw ang isolated thunderstorms sa ilang bahagi ng Central Luzon.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.