Duterte balak umanong mag-ikot sa military camps | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Duterte balak umanong mag-ikot sa military camps

Pia Gutierrez,
ABS-CBN News
Published Jun 23, 2020 02:04 PM PHT

MAYNILA - Sa kabila ng pandemyang bunsod ng coronavirus disease (COVID-19), plano umano ni Pangulong Rodrigo Duterte na ikutin ang bansa para bisitahin ang mga kampo ng militar sa mga susunod na araw.

Inanunsiyo ng pangulo ang plano noong gabi ng Lunes matapos ding aminin na ayaw niya sa lockdown na patuloy na ipinatutupad ng gobyerno bunsod ng pandemic.

"Alam mo sa totoo lang if there is anybody who wants to be out to enjoy and even to live life normally, ako. Ako ‘yung ayaw talaga sa itong lockdown-lockdown. I hate it," ani Duterte.

"If I’m reckless enough, then I’d get it because the coming days I intend to go around the country. Magbisita ako. Magbisita pa ako ng kampo ng mga military. So I’ll just have to take precautions," dagdag niya.

Kahit nasa kasagsagan ng krisis ng COVID-19, sinabi ni Duterte na hindi ang pandemya kundi ang rebelyon ng mga komunista ang pangunahing problema ng Pilipinas.

Mas matindi pa umano ang mga rebelde kompara sa mga teroristang Abu Sayaff.

"Actually the number one threat to the country, hindi Abu Sayyaf, hindi ‘yung mga terorista of no value. Itong high value targets ito ‘yung mga komunista," ani Duterte.

"Kaya ang utos ko talaga sa Armed Forces, sa sundalo, upakan mo, upakan mo," dagdag niya.

Ibinahagi rin ni Duterte na hindi pa nakakaabot sa kaniya ang panukalang Anti-Terror Bill of 2020, na kasalukuyang pinag-aaralan ng kaniyang legal team sa Malacañang.

"My legal is still reviewing it. My legal team, sa Malacañang. Hindi ko pa natanggap. I had it reviewed. It’s always automatic. Pag daan sa akin, I endorse it to legal, without even reading it," ani Duterte.

"It’s legal who will return it to me, with the recommendation whether I'll approve it or not," dagdag niya.

Nauna nang kinuwestiyon ng maraming grupo ang pagbibigay prayoridad ng administrasyon sa pagpasa sa kontrobersiyal ng panukala sa gitna ng pandemic.

Marami ang nangangambang magamit sa rights violation ang panukala dahil sa malawak na depenisyon nito ng salitang "terrorism" o terorismo.

Read More:
PatrolPH
Tagalog news
Rodrigo Duterte
military camp
rebellion
communist rebels
COVID-19
coronavirus pandemic
Anti-Terror Bill
Anti-Terror Bill of 2020
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT