Ano nga ba ang 'woke' at 'cancel culture?' | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Ano nga ba ang 'woke' at 'cancel culture?'
ABS-CBN News
Published Jun 17, 2023 11:13 AM PHT

MAYNILA -- Ayon sa pag-aaral ng Agile Data Solutions, lumalabas na 64% ng mga Pilipino ay nakikilahok sa mga ‘woke discussions’ kaugnay sa mga isyung panlipunan, lalo na sa mga isyung kawalang-katarungan at diskriminasyon.

Sa kasalukuyang panahon, ginagamit ang terminong ‘woke’ ukol sa pagiging mulat sa mga social issues, kung saan ang mga tao ay nagkakaroon ng mataas na kamalayan tungkol sa politika at sa lipunan.

Samantala, ang cancel culture ay ang paraan ng pag-boycott kung saan hindi sinusuportahan ang hindi katanggap-tanggap na pagkilos o salita ng isang tao.

Sa panayam sa Teleradyo, ibinahagi ni Dr. Gerald Abergos, sociologist, kung paano naging daan ang social media para makiisa ang mga Pilipino sa mga diskusyon. Inilahad niya rin ang ilan sa mga hamon ngayon ng pakikibahagi sa mga isyu sa social media katulad na lamang ng kakulangan sa impormasyon, pagkakaroon ng personal biases, kawalan ng research, at ang ‘selective’ na pagtingin sa mga isyu.