Car shop owner sa San Juan arestado sa umano'y carnapping | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Car shop owner sa San Juan arestado sa umano'y carnapping

ABS-CBN News
Published Jun 14, 2019 03:13 PM PHT
|
Updated Jun 14, 2019 08:55 PM PHT

MAYNILA — Arestado noong Huwebes ang isang car shop owner sa San Juan City dahil sa umano'y pagkakadawit nito sa carnapping.

Kinilala ang suspek na si Robert Fernandez, 29, at ika-8 sa most wanted ng San Juan City.

Ayon sa Eastern Police District, sinalakay nila ang bahay ni Fernandez sa bisa ng isang search warrant.

Modus umano ng suspek na magbenta ng mga tinangay na kotse.
Modus umano ng suspek na magbenta ng mga tinangay na kotse.
ADVERTISEMENT
Dati nang naaresto ng Highway Patrol Group si Fernandez nang tangayin daw ang kotse ng isang police escort sa Quezon City.

Nahaharap si Fernandez sa kasong paglabag sa Anti-Carnapping Law.

Kasalukuyang nakakulong sa San Juan City Police Custodial facility ang suspek.

May hiwalay ding kasong robbery na hinaharap si Fernandez sa Manila Regional Trial Court Branch 52.