80 detenido nagtapos sa iba't ibang skills training ng TESDA, BJMP | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

80 detenido nagtapos sa iba't ibang skills training ng TESDA, BJMP

80 detenido nagtapos sa iba't ibang skills training ng TESDA, BJMP

ABS-CBN News

Clipboard

Nagtapos sa iba't ibang skills training ang nasa 80 "persons deprived of liberty" (PDL) o mga detenido ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) sa Cabarroguis, Quirino.

Isa na rito si alyas "Mark" na bago makulong sa kasong may kinalaman sa ilegal na droga ay nagtatrabaho bilang drayber.

Dahil tatlong taon na siyang nakapiit, minabuti niyang kumuha ng pagkakaabalahan.

"Para magkaroon din po ako ng bagong kaalaman, naisip ko po na idagdag ko sa panibago kong buhay paglabas ko dito...Para paglaya ko meron akong maitutulong sa pamilya ko na ipangbubuhay ko sa kanila," paliwanag ni Mark.

ADVERTISEMENT

Ang kinuhang skills training ni Mark ay tile setting.

Isa ito sa mga kursong handog ng BJMP at Technical Education and Skills Development Authority (TESDA).

"Kung itong mga PDL natin na ito, hindi mo bibigyan ng tulong na ganito, ano ang mangyayari?" ani TESDA-Quirino director Belinda Labutong.

Bukod sa tile setting, mayroon ding training sa masonry at massage.

Si alyas "Anthony" naman, habang nasa piitan ay patuloy na nag-iipon ng kaalaman kaya naman ikatlo na ang masonry sa mga kinuha niyang skills training.

ADVERTISEMENT

"Marami na [akong natutunan] gaya ng paggawa ng tinapay, paghihilot. Bilang tugon sa pagtulong ng mga local government na pinagkaloob sa amin kasi malaking oportunidad po sa amin ito," aniya.

Ayon sa pamunuan ng BJMP, paghahanda na rin nila ito sa mga PDL paglabas nila sa kulungan.

"Ang mandato ng BJMP ay matulungan sila in order that upon their release, meron na silang siguradong trabaho," paliwanag ng BJMP-Cabarroguis warden na si Jail Senior Inspector Angelito De Laza.

Ang mga PDL na nagtapos sa skills training na may kinalaman sa konstruksiyon, prayoridad ng BJMP na bigyan ng trabaho sa gagawin nilang tatlong palapag na gusali. --Ulat ni Danielle Rebollos, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.