2 lalaki, naaktuhang gumagamit ng 'shabu' sa El Nido | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
2 lalaki, naaktuhang gumagamit ng 'shabu' sa El Nido

Arlie Cabrestante,
ABS-CBN News
Published Jun 12, 2018 04:04 PM PHT

EL NIDO, Palawan -- Dalawang lalaki ang hinuli ng mga pulis sa isinagawang anti-drug raid Martes ng madaling araw sa Barangay Masagana.

Kinilala ang mga suspek na si Khien Mark Ledesma Maunar, alyas "Kiti-Kiti," 23 taong gulang, at ang kasama niyang isang 16 taong gulang na lalaki.

Ayon sa awtoridad, nakatanggap sila ng impormasyong nagsasagawa ng drug session ang 2 suspek sa kuwarto ng isang guest house.

Agad nila itong pinuntahan at dito na naaktuhan ang mga suspek na gumagamit ng hinihinalang shabu.
Agad nila itong pinuntahan at dito na naaktuhan ang mga suspek na gumagamit ng hinihinalang shabu.
ADVERTISEMENT
Nakuha sa mga suspek ang 3 sachet ng pinaghihinalaang shabu, isang sachet na walang laman, isang lighter, isang kaha ng sigarilyo, isang posporo at isang kulay violet na bag.

Dadalhin sa Philippine National Police crime laboratory ang mga nakumpiskang ebidensiya para suriin.

Mahaharap ang 2 suspek sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.