5 kompanya hinahabol ng SEC dahil sa 'scam' | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
5 kompanya hinahabol ng SEC dahil sa 'scam'

ABS-CBN News
Published Jun 11, 2019 08:05 PM PHT

Maliban sa Kapa Community Ministry, may 5 pang ibang grupong hinahabol ang Securities and Exchange Commission (SEC) dahil umano sa pag-scam.

Kasama sa mga kompanyang tinututukan ng SEC ang Organic Agribusiness Ventures, Ada Farm and Agri Ventures, ALMAMICO (Alabel-Maasim Small Scale Mining Cooperative) / ALAMCCO (Alabel-Maasim Credit Cooperative), Rigen Marketing, at Ever Arm Any Marketing.

Ayon kay SEC Chairman Emilio Aquino, nangangako ng hanggang 600 porsiyentong interes ang mga nasabing grupo, na nag-o-operate sa Visayas at Mindanao.

Ibinahagi ni Aquino na nakatulong ang revised na Corporation Code and Securities Regulation Code ng bansa para bigyan ang SEC ng ngipin na habulin ang mga scammer.

ADVERTISEMENT
"May mga mutations na rin eh, it's no longer Kapa. We have other religious groups propagating their own kind of schemes," ani Aquino.

Nakikipagtulungan na ang SEC sa Philippine National Police (PNP), Criminal Investigation and Detection Group at National Bureau of Investigation.

Nanawagan ang PNP sa mga nabiktima ng scam na maghain ng reklamo.

"Napakaraming complainants, hindi nga lang naidokumento pa so hindi pa lahat nare-reduce into formal complaint," ani PNP spokesperson Police Lt. Col. Bernard Banac.

Magugunitang ipinag-utos ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pag-aresto sa mga opisyal ng Kapa Community Ministry dahil sa pagkakaugnay ng korporasyon sa investment scam.

Nauna na ring sinabi ng SEC na posibleng isa ang pag-scam ng Kapa sa pinakamalaking scam sa Pilipinas na aabot sa P50 bilyon ang nakuhang halaga.

--Ulat ni Bruce Rodriguez, ABS-CBN News
Read More:
PatrolPH
Tagalog news
investment scam
scam
Securities and Exchange Commission
Kapa Ministry
TV Patrol
Bruce Rodriguez
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT