1 lang sa 6 vaccination sites sa Mandaluyong ang binuksan dahil sa kulang na suplay | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

1 lang sa 6 vaccination sites sa Mandaluyong ang binuksan dahil sa kulang na suplay

1 lang sa 6 vaccination sites sa Mandaluyong ang binuksan dahil sa kulang na suplay

ABS-CBN News

Clipboard

MAYNILA - Isa lang sa anim na COVID-19 vaccination sites sa siyudad ng Mandaluyong ang bukas ngayong Huwebes sa kakulangan ng suplay ng bakuna.

Ayon kay Mandaluyong Mayor Menchie Abalos, ang mga naka-schedule lang ngayong araw ay para sa ikalawang dose ng halos 1,000 senior citizen.

"For today we only have schedule for 2nd dose because we have no more stocks for 1st dose. Actually we have been using part of our 2nd dose as 1st dose for the past days. We are still waiting for new allocation of vaccines," ani Abalos sa isang text message sa ABS-CBN News.

“Galing ho kami sa Zoom meeting po this morning. We were advised ho na i-check iyong aming inventory and mag-save po kami ng 2 weeks supply from our second dose. Beyond 2 weeks, pwede na ho muna naming gamitin as first dose. We were assured naman na dadating daw po by next week, pero still iyong date po hindi naman nasabi sa amin,” ani Mandaluyong City Health Office Dr. Alex Sta. Maria.

ADVERTISEMENT

KAUGNAY NA BALITA

Watch more in iWantv or TFC.tv

Sa ngayon, may mahigit 83,000 indibidwal na ang nakakuha ng unang dose sa lungsod.

Mahigit 25,000 naman ang naturukan ng ikalawang dose o iyong mga fully vaccinated na.

Nauna nang humingi ng paumanhin ang national government sa pagkaubos ng suplay ng bakuna sa ilang lungsod, at nangakong magiging normal na ito pagdating ng susunod na linggo.

Nitong umaga ng Huwebes, dumating ang karagdagang 1 milyong doses ng Sinovac COVID-19 vaccine sa bansa. May 2.2 milyong doses naman ng Pfizer vaccine ang nakatakdang darating sa gabi.

Nasa mahigit 6.3 milyong doses na ng COVID-19 ang naituturok sa buong bansa. Ang mga fully vaccinated ay lagpas 1.6 milyon na, bagaman malayo pa ito sa minimum target na 58 million para magkaroon ng herd immunity sa bansa.


— Ulat ni Arra Perez, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.