DOJ, nilinaw ang epekto ng pagdedeklara sa isang indibidwal bilang 'persona non grata' | ABS-CBN

Featured:
|

ADVERTISEMENT

Featured:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

DOJ, nilinaw ang epekto ng pagdedeklara sa isang indibidwal bilang 'persona non grata'

DOJ, nilinaw ang epekto ng pagdedeklara sa isang indibidwal bilang 'persona non grata'

Johnson Manabat,

ABS-CBN News

Clipboard

MAYNILA - Ipinaliwanag ni Justice Secretary Menardo Guevarra ang kahulugan at epekto ng pagdedeklara ng “persona non grata” laban sa isang indibidwal.

Sabi ni Guevarra, ang isang resolusyon halimbawa ng isang konseho ay nangangahulugan lamang ng pagpapahayag nila ng sentimyento o ng isang lawmaking body laban sa isang partikular na tao.

Ayon sa kalihim, wala itong kapangyarihan ng batas o ng isang ordinansa.

Kapag ang isang tao ay idineklarang persona non grata, hindi naman aniya nawawala ang kanyang mga karapatan sa ilalim ng konstitusyon para sa parehas na proteksyon sa ilalim ng batas.

ADVERTISEMENT

"A resolution merely expresses the sentiment of a lawmaking body on a certain matter or person. It does not have the force of a law or an ordinance. A person declared as persona non grata does not lose his constitutional right to equal protection of the law," paliwanag ni Guevarra

Dagdag pa ng kalihim, wala ding legal na basehan para paalisin sa kanyang tinitirahan ang taong idineklarang persona non grata.

"There is no legal basis to evict a person residing in a place solely for the reason that he has been declared as persona non grata therein, as the right to have an abode is a fundamental right guaranteed under the constitution," dagdag pa ni Guevarra

Ginawa ng kalihim ang mga paglilinaw sa usapin ng pagdedeklara sa isang tao bilang persona non grata nang matanong ng mga mamamahayag kasunod na rin ng resolusyon ng konseho ng Quezon City na nagdedeklarang persona non grata sa aktres na si Ai-Ai Delas Alas at short film director na si Darryl Yap dahil sa umano’y pambabastos ng mga ito sa official seal ng QC LGU sa short film kung saan bumida si Delas Alas bilang si "Ligaya Delmonte"

Ayon kay QC District IV Councilor Ivy Lagman na siyang nagsulong ng naturang resuolusyon sa konseho, binastos ng dalawa ang official seal ng Quezon City Government nang palitan ng mga salitang BBM at SARA ang Lungsod Quezon at Pilipinas habang ang silhouette ng QC Shrine ay tinakpan ng litrato tigre at agila na ginamit sa kampanya ng noo’y kandidatong pangulong si Ferdinand Marcos Jr. at Vice Presidential candidate Sara Duterte.

Aminado naman si Lagman na sentimyento lamang nila ito sa ginawang pambabastos ng dalawa at hindi maaring pigilan ang mga ito na pumasok sa lungsod.

Watch more News on iWantTFC

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.