Paano nag-uudyok ng pagyoyosi ang nicotine? | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Paano nag-uudyok ng pagyoyosi ang nicotine?

Paano nag-uudyok ng pagyoyosi ang nicotine?

ABS-CBN News

 | 

Updated Jun 08, 2019 12:10 PM PHT

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

Karaniwang kuwento na ang hirap na dinadanas ng mga taong gustong huminto sa paninigarilyo.

Ayon sa pulmonologist na si Jubert Benedicto, may sangkap kasi ang sigarilyo na nag-uudyok sa isang tao na gumamit nito: ang nicotine.

"Nakaka-activate ito (nicotine) ng pleasure center sa utak natin. kaya kapag nakakahithit ka ng sigarilyo, nag-a-activate," aniya sa "Good Vibes" nitong Huwebes.

"Gusto mo lalo humithit pa. So mapapadami, mapapalalim lalo ang hithit mo ng sigarilyo. At dahil doon mahirap tumakas," dagdag niya.

ADVERTISEMENT

Ayon pa kay Benedicto, may sosyolohikal na presyur sa paninigarilyo, lalo na kung ang nakakasama ng isang tao ay naninigarilyo rin.

"Andu'n 'yung mga nakakasama mo, during breaks, during meeting lagi silang naninigarilyo... and before you know it naeenganyo ka na sa paninigarilyo," aniya.

May masasamang epekto sa katawan, partikular na sa baga ang paninigarilyo. Pero ayon kay Benedicto, may magagawa pa para talikuran umano ang naturang bisyo.

Nakakatulong din umano ang hirit na dagdag-buwis sa sigarilyo, na pirma na lang ng Pangulo ang hinihintay.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.