Comelec, pinagtibay ang mga panuntunan sa implementasyon ng gun ban | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Comelec, pinagtibay ang mga panuntunan sa implementasyon ng gun ban

Johnson Manabat,
ABS-CBN News
Published Jun 07, 2023 09:46 PM PHT

MAYNILA - Pinagtibay ng Commission on Elections o Comelec ang resolusyon nito kaugnay ng mga panuntunan sa implementasyon ng gun ban para sa isasagawang Barangay and Sangguniang Kabataan Elections o BSKE sa Oktubre 30, 2023.

Ito ang nilalaman ng Comelec Resolution No. 10918 o ang Rules and Regulations sa pagdadala ng baril at iba pang deadly weapons at ang pagkuha ng serbisyo ng mga security personnel at bodyguards sa panahon ng BSKE.

Pinamumunuan ni Comelec Commissioner Aimee Ferolino bilang Chairperson ang Committee on the Ban on Firearms and Security Concerns o CBFSC na siyang mag-i-isyu ng Certificates of Authority o CA at magiging responsable sa implementasyon ng mga panuntunan sa pagkuha ng gun ban exemption.

Sabi ng Comelec, ipatutupad ang gun ban mula Agosto 28, 2023 hanggang Nobyembre 29, 2023.
Sabi ng Comelec, ipatutupad ang gun ban mula Agosto 28, 2023 hanggang Nobyembre 29, 2023.
ADVERTISEMENT
Sa panahon na umiiral ang gun ban, sabi ng Comelec, ang mga papayagan lang na makapagdala ng baril ay ang mga may gun ban exemption mula sa CBFSC.

MGA BAWAL SA PANAHON NG GUN BAN MALIBAN KUNG MAY EXEMPTION MULA SA COMELEC
Sa panahon ng gun ban, ipinagbabawal ang pagdadala ng kahit anong baril at firearms sa labas ng bahay o business establishments, at mga pampublikong lugar.

Ipinagbabawal rin pagkuha ng serbisyo ng mga security personnel at bodyguards, at ang pagbiyahe ng mga firearm at explosives.
Binigyang diin ng Comelec na ang sinomang lalabag dito sa panahon ng halalan ay mahaharap sa Election Offense na may pagkakaulong nang hindi bababa sa isang taon at hindi lalagpas sa anim na taon.

Ang mga mapapatunayang nagkasala ay pagbabawalan ding manungkulan sa anumang tanggapan ng gobyerno at hindi na rin makakaboto.

Kapag ang lumabag sa gun ban ay isang dayuhan, mahaharap ito sa deportation matapos pagsilbihan ang kaululang pagkakakulong.

Nagsimulang tumanggap ang CBFSC ng aplikasyon para sa Certificate of Authority para sa Gun Ban exemption sa Hunyo 5, 2023 at magtatapos ito sa Nobyembre15, 2023.

Ayon sa Comelec, maaring mag-email sa kanilang official website na www.comelec.gov.ph sa ilalim ng Gun Ban Exemption Application link.

KAUGNAY NA ULAT
Read More:
Comelec
Commission on Elections
Barangay and Sangguniang Kabataan Elections
BSKE
elections
Tagalog news
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT